Chapter 43 pt. 2

9K 297 45
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter ⓒEmpressWinteroo

Chapter 43

I R I N E

Combat battle kaya ang mangyayari dito? Napabuntong-hininga ako.

"Ang tagal ha?" Maarteng sabi ni Keith at umirap mula sa 'kin.

Sa kasamaang palad, kasali pa pala siya.

"Hi Irine!" Kumaway sa 'kin si Tristan. Nginitian ko siya pati ang kasama niyang tyro na si Stacey.

"Bakit ka basang-basa, Red?" Tanong naman ni Lina.

Lumingon kaming lahat kay Red na naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Pentera," wika niya. Tumango naman silang lahat na parang kaagad na naunawaan ang sinabi niya.

Basa rin ako hanggang ngayon pero hindi ko nararamdaman ang lamig sa katawan ko. Mabuti na 'yon dahil pansin kong mahangin sa gubat. Sumasaliw ang mga dahon ng puno sa galaw ng hangin.

Wala nang nagsalita pa sa 'min. Sapat na ang ambiance ng gubat para hindi na kami mag-ingay pa. Masukal ito at tanging tunog nalang ng ibon ang naririnig naming lahat. Masyadong tahimik.

Sa sobrang tahimik ay parang may nagbabadyang panganib sa 'ming lahat.

Hinawi ko ang aking basang buhok para maayos man lang. Napansin kong bigla ang mga reaksyon ng Tyro na nandito. Pare-pareho kaming nababahala sa pwedeng mangyari.

Aakalaing kalmado pero halata sa bawat ekspresyon na hindi mapakali. Si Stacey at Keith palang ang kilala ko. Hindi ko alam ang pangalan ng lalakeng kasama ni Lina.

Base sa mga galaw niya, feeling ko siya ang pinaka-intimidating. Taas noo kasi tumayo.

Sa kabilang banda, tahimik lang na naghihintay ng maaaring announcement ang mga Stager na kasama namin.

Si Red, pinagmamasdan ang gubat at pinag-aaralan ang mga sulok nito. Si Lina, sa kasamaang palad, naabutan kong nakatingin muli sa 'kin at tinaasan ako mg kilay kaya itinuon ko nalang kay Collin na nakahawak sa sword niya. Mukha siyang handa sa nagbabadyang maganap.

At ang huli ay si Tristan na nahuli kong nakatitig pala sa 'kin habang nakangiti. Noong una kumunot pa ang noo ko pero ngumiti na lang din ako sa kanya.

Sa totoo lang, mabuti na ring sila ang mga kasama ko sa gitna ng masukal na gubat. Kahit magkalaban kami rito, at least may idea na ako sa mga kakayahan nila.

"Red." Hinablot ko ang laylayan ng damit ni Red kaya lumingon siya sa 'kin. "Ano bang gagawin sa 3rd obstacle? Magkakasakitan ba tayo rito?"

Binulsa niya ang dalawa niyang kamay at umiling.

"Ang Chimera ang dapat nating kalaban," sagot niya. "Kung sino man ang unang makakatalo sa kanya, makakakuha siya ng 90 na puntos."

Napalunok ako. Alam ko kung ano ang Chimera. Kasali siya sa mga listahan ng librong nabasa ko na nasa pinakamalakas na genus dito.

Ang parte talaga na 'yon ang pinagtuunan ng pansin. Sampo ang nasa listahan at isa roon ang Chimera. Ang Pentera nga ay hindi kasali sa listahan pero muntikan niya na akong masaktan, paano pa kaya ang lakas ng Chimera?

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon