Chapter 2

23.8K 703 22
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter ©EmpressWinteroo

Chapter 2

I R I N E

"Class dismissed!" Nagsialisan na ang mga kaklase ko sa laboratory. Anatomy kasi ang subject namin ngayon kaya pinag-aralan namin ang mga bahagi ng katawan ng tao.

"Uwi na tayo?" Lumapit si Sam sa akin.

Itutulak ko na sana ang wheelchair niya pero nakuha ng atensyon ko ang sinabi ng nagsalita.

"Sir, may alam po ba kayo sa mga sakit sa mata? Matagal na po kasi itong sore eyes ko. Kailangan ko po ng payo, Sir." Tanong ng kaklase ko na nakashades din kay sir Steve na nasa harap ng classroom.

"Opthalmologist ang kapatid ko. Pwede kitang matulungan," sagot ni Sir na ikinagulat ko.

Opthalmologist ang kapatid niya. Pwede akong humingi ng tulong para malaman kung ano ba ang tunay kong kalagayan.

"Sandali lang Sam ha?" Umalis ako sa tabi ni Sam pero bigla niya akong hinila pabalik.

"Halika na! Gutom na ako!"

"Teka-"

"Irine naman!" Pagmukmok niya.

Napapikit ako ng mariin at tyaka nagsalita ulit. Siguradong ipipilit niya ang gusto niya.

"Tara na nga." Tinulak ko ang wheelchair ni Sam.

Kapag sinabi niyang gutom na siya, mas lalala pa ang pagiging makulit niya. Bago pa kami makalabas ng room, sinulyapan ko muna si Sir Steve sa harap ng room kausap ang kaklase ko.

Siguro, sa susunod nalang ako hihingi ng tulong.

Pagkalabas namin ng building, nanlumo kami sa nakita namin. Umuulan kasi ng malakas at wala akong dalang payong.

Ang gulo talaga ng panahon, kanina lang ay mainit tapos ngayon biglang umulan?

"May payong ako." Kinalkal ni Sam ang bag niya para hanapin ang payong. Hinintay ko siya pero bigla lang nagmaktol at pinalo ang bag niya.

"Bakit?" Pag-alalang tanong ko sa kanya.

"Naiwan ko kasi yung payong sa lab," sagot niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Kung makakalimutin ako, katulad ko rin si Sam paminsan-minsan.

Inayos ko ang shades ko. "Ako nalang ang kukuha, maghintay ka nalang dito."

Nang pumayag si Sam, tumakbo ako pabalik ng laboratory habang maingat na hinahawakan ang shades ko. Ayoko namang malaglag at mabunyag ang sikreto ko.

Habang tumatakbo, nakasalubong ko ang may sore eyes kong kaklase. Naalala ko tuloy kung ano ang sabi ni Sister Martha tungkol sa mata ko bago siya nawala.

"Anak, bakit hindi ka ba makatulog?" Pumasok si Sister Martha sa kwarto. Inayos na muna niya ang kumot ni Sam bago lumapit sa kama ko.

"Medyo masakit na naman po kasi ang kanang mata ko," pag-amin ko sa kanya. Ngumiti si Sister sa akin at tinulungan akong mahiga.

Hinaplos niya ang kanang mata ko kaya naibsan ang sakit na nararamdaman ko. Isang linggo nang ganito ang mata ko at pasakit na siya ng pasakit habang tumatagal.

"Ano po ba ang sakit ko?" Tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihintay ng sagot.

"Hindi mo rin mauunawaan ang sakit mo, Irine," sagot niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ng mga daliri niya.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon