Chapter 31

13.2K 446 33
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 31

I R I N E

"Red?" Kinalabit ko siya mula sa likod. Hindi siya lumingon kaya kinalabit ko ulit. "Red, sorry."

Nabalutan ng katahimikan ang lugar kung saan kami nag-t-training. Sinilip ko ang mukha niya, nakatingin na naman siya sa malayo.

Mukhang napagalitan talaga siya ng husto ni Sister Leyva dahil naparusahan siya na maglinis ng Guild kagabi. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ako kasama dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nandoon ako.

Nang makita nila Cyndel at Nisha si Red na naglilinis, kinokonsensya nila ako. Kesyo, si Red na raw ang pinarusahan tapos ako pa ang may ganang tumutol sa pagsali sa tournament.

'Kawawa si Stager Red, Irine. Tapos hindi ka pa sasali sa tournament?'

'Yan ang lagi nilang binabanggit kagabi. Napabuntong hininga ako.

"Red!" Nagulat ako nang may tumawag sa kanyang babae mula sa malayo. Hinanap ko kung sino.

'Yung naging doctor ko sa hospital pero hindi ko maalala ang pangalan niya.

"Dra. Lily," sambit ni Red.

Tama! Si Dra. Lily nga. Nabagabag ako nang maalala ang pagtakas ko mula sa hospital.

Iyon ba ang pakay niya ngayon?

Tumakbo sa likod ni Red para magtago.

"Anong ginagawa mo?" Lingon niya.

"Shh!" Tinulak ko siya para kausapin si Dra. Lily na tumatakbo papunta sa kanya.

Pero ang ikinagulat ko, niyakap niya si Red ng napakahigpit at mistulang natutuwa siyang makita ito.

"I missed you so much, young boy!" Yakap niya kay Red habang nakapikit.

Nagtaka ako. Magkakilala sila? Niyakap din naman ni Red si Dra.

"Dra. Hindi na ako makahinga," usal niya.

"Oops!" Napadilat si Dra. Lily kaya nakita niya ako na nasa likod. "Oh!"

Ang galing mo, Irine. Magtatago ka na nga lang, sa likod pa ni Red na kakausapin niya.

"Uhm- hi?" Kumaway ako ng bahadya.

Kumunot ang noo niya at kumalas sa yakap. Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang dalawang pisngi ko.

"You're familiar." Bigla niyang kinurot niya ang dalawang pisngi ko. "Bingo!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya. "You're Irine! Ikaw ang Ice Enchanter na galing sa kabilang dimension at naging patient ko for 3 days because Red asked for it. But then you left the hospital without my consent. Bad girl. You bad girl." Mahabang bulong niya habang pinaglalaruan niya ang mukha ako.

Shocks. Sana lang hindi narinig ni Red ang sinabi ng Dra.

"Uh–" Sinubukan kong pigilan siya. "Pwede pong bitawan niyo muna ako?"

"Oops! Sorry!" Ngumiti siya at lumayo sa 'kin.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Sa tingin ko namumula na ako at namamaga na ito. Hindi ko alam na ganito si Dra. Lily, akala ko sophisticated siya at elegant.

"I hope you're okay now. Well, especially I was your doctor before." Kumindat siya sa 'kin.

Pero makulit pala siya.

"Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" Tanong ni Red sa kanya.

"I just wanted to talk to you. May balak kasi akong bumalik sa mundo ng mga tao and I need an acquaintance. I just want to ask if you can probably join me?" Tanong ni Dra. habang nagpapacute.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon