Chapter 20

13.4K 458 18
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 20

I R I N E

"Ang tagal naman," usal ko habang nakaupo sa isang malaking bato.

Ilang minuto na rin akong naghihintay dito sa labas pero mukhang hindi pa siya tapos. Kung sabagay, malawak din kasi 'yung lobby.

Pinagmasdan ko nalang ang mga dumadaan sa Tyro Ring. Ang sabi ni Sov tuwing special occasions o special classes lang maisusuot ang uniforms namin kaya nakacivilian clothes kami ngayon.

Kapag training days, kailangan naming suotin ang second set ng uniform o ang cargo pants at shirts na binili namin sa store ni Meyo.

Nakinig ako sa musika na ginagawa ng isang babaeng Gifted sa kabilang building. Gamit niya ang dahon at hinihipan ito na parang harmonica.

Sana pala gifted nalang ako, pangarap kong makatugtog ng musika. Katulad ng ginagawa ng gifted na pinapakinggan ko. Nakapagpapagaan ng damdamin ang musikang nalilikha gamit lang ang isang dahon.

Napangiti ako.

Nakakakita rin ako ng mga masasayang enchanters na nakikipag-usap sa isa't-isa. Paminsan-minsan ay kumakaway sila sa 'kin kahit na galing sila ka kabilang guild.

Kapansin-pansin din ang guild na katapat namin. Nagkakaroon ng ilaw at ingay kada minuto. Nakakita nga rin ako ng usok na lumabas mula sa bintana.

Papasok na sana ako sa pintuan ngunit napatalon ako nang may sumabog sa tapat namin.

Nagsitakbuhan palabas ang mga nasa loob na nakasuot ng puting robes.

"Plasma Wizards sila." Napalingon ako sa likod. Si Red.

"Plasma?" Tanong ko.

Tumayo si Red nang nakapamulsa habang pinagmamasdan ang mga genus na inaayos ang mga nasira dahil sa pagsabog. Nagkumpulan na rin ang iba at tumulong.

"Ang Plasma ay para sa medisina kaya gumagawa sila ng mga eksperimento." Nagkibit balikat siya. "Pumasok ka na sa loob." Tumalikod siya.

"Sandali!" Pagpigil ko. "Hindi ba natin sila tutulungan?"

"Kaya na nila 'yan." Patuloy siyang naglakad.

Ay aba! Mukhang wala nga talaga siyang balak na tumulong. Napalingon ako sa katapat namin, wala nang usok ang nanggagaling sa sa sumabog. Mukhang naayos na nila.

Pumasok na rin ako baka mapagalitan pa ako kapag hindi ako sumunod sa kanya. Pagpasok ko, basa ang buong sala pero wala na akong nakikitang anumang yelo.

"Umupo ka na ulit." Utos niya.

Pumunta kaagad ako sa upuan ko kanina na nasa tapat ni Red habang nakaupo sa couch.

"Fiery!" Biglang tumalon si Fiery sa lap ko at nahiga.

"Drax."

"Sabi ko nga, Drax."

Tatawagin ko nalang siyang Fiery kapag wala sa tabi niya si Red.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon