Chapter 3

22.3K 682 29
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 3

I R I N E

"Sa tingin mo, libro kaya 'yon?" Tanong ko kay Sam.

"Siguro."

"Sa tingin mo kay Sister 'yon?"

"Siguro."

"Sa tingin mo may kinalaman sa buhay ko 'yon?"

"Siguro."

"Sa tingin mo, mahuhulog ka na sa wheelchair mo ngayon?"

"Siguro–ARAY!" Tinulak ko si Sam mula sa pagkakaupo niya sa wheelchair. Hindi naman siya nahulog.

"Hindi ka naman nakikinig, Sam!" Pagmaktol ko. Halatang hindi nakikinig dahil siguro lang ang palagi niyang sagot. Kanina pa kaya ako napapraning dito.

"Paanong hindi ako makikinig, eh 'yung nabasa mo nalang ang bukambibig mo sa buong maghapon. Seryoso, Irine, aasahan mo pa ba akong maging pasensyosa?"

"Edi sorry." Sumimangot ako.

Umupo ako sa upuan at nagsimula ng magburda. Nagtratrabaho na kasi kami ngayon sa business ng ampunan kaya nandito kaming lahat sa isang kwarto. Busy sa pagtratrabaho ang mga kasama ko sa pagtatahi gamit ang sewing machines.

Katatapos lang ng klase kaya balik trabaho na ulit kami. May nagpagawa kasi ng mga panyo na may burda ng mga pangalan. Kailangan na rin namin itong matapos.

"Kailan ka ba kasi titigil sa pangungulit, Irine?" Tanong ni Sam sa tabi ko.

Humarap ako sa kanya. "Kung nakita mo kasi 'yung mga laman ng kahon. Aakalin mong may kung anong mahika ang mga 'yon. Lalo na ang amulet. Nakita mo naman ang papel hindi ba? Biglang nasunog nang sinabi natin ang Enchan-hmmmpp!" Tinakpan ni Sam ang bibig ko at inutusang hinaan ang boses.

Paanong hindi ako maprapraning sa mga nakita ko ngayong araw? Una ay ang talisman at pangalawa ay ang papel na nasunog.

Mula kasi nang binasa namin ang 'Enchanted', biglang nasunog ang papel at muntikan pa akong mapaso. Nawala siya na parang bula-ay hindi-parang abo at may narinig kaming nagsalita sa kawalan na nagsabing "Cursed".

Ano 'yon? Isang magic ng isang clown? O baka naman ineengkanto ako? O mangkukulam? Bigla akong kinalibutan sa naisip ko.

"Pst." Kinalabit ko si Sam pero hindi niya ako pinansin. "Sam." Kinalabit ko ulit siya.

Tumingin nga siya sa 'kin na pero binigyan ako ng masamang tingin na parang sinasabing 'Tumahimik ka Irine. Gawin mo nalang 'yang trabaho mo.'

Napabuntong hininga nalang ako at kumuha ng panyo para burdahan. Hindi talaga maalis sa isip ko 'yung papel. Naprapraning talaga ako, baka mamaya may nagmamasid pala sa 'king mangkukulam o engkanto. Nasa probinsya pa man din kami. Hindi masyadong sibilisado.

Naiisip ko palang na may nagmamasid na mangkukulam sa 'kin ay naiiyak na ako sa takot. Imbes na mga multo, sa mangkukulam talaga ako natatakot lalo na sa mga manika na hawak-hawak nila.

Minsan kasi kapag wala akong magawa ay nagkwekwento si Sister Martha sa 'kin tungkol sa witchcraft na 'yan at isa lang ang masasabi ko.

Nakakapangilabot.

"Huy Irine!"

"Ay Enchan-hmpp" Tinakpan ulit ni Sam ang bibig ko kaya tinanggal ko kaagad ito.

"Kanina ka pa tulala diyan. Pwedeng magtrabaho muna tayo at tyaka nalang problemahin 'yang problema mo ngayon?" Pagalit na sabi ni Sam kaya naman napaatras ako.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon