Chapter 19

13.4K 469 25
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 19

I R I N E

Hindi talaga ako makapaniwala na si Blue ang leader namin sa Orion Guild. Akala ko mga mas mataas pa ang posisyon ni Red dahil sinasagot niya lang naman si Blue.

Ang sabi niya Sov daw ang dapat itawag namin sa kanya at ang ibig sabihin ay Sovereign.

Kasalukuyan akong nasa dining area para sa almusal. Nalula ako sa haba ng mesa at sa dami ng upuan. Kakasya ang halos 150 na tao. Kung tutuusin, hindi naman nalalayo ang itsura ng dining area dito sa itsura ng dining area namin sa ampunan. Ang pinagkaiba lang ay mas malawak dito at mas magara ang kagamitan.

Nakasuot na ako ng white shirt at jeans. Mabuti nalang pala ay naibigay na ni Nikko ang gamit ko sa guild. Mukhang naibalik na rin sa iba ang gamit nila.

Sa living room lamang ako natulog kagabi. Baka raw kasi magulat ang mga kasama namin sa guild kapag biglang may pumasok sa isang kwarto.

Sabik na akong makita ulit sila Cyndel at Nisha. Hindi kasi alam ni Sov kung saan ang kwarto nila dahil masyadong marami ang tao na nasa guild namin.

"Maupo ka muna diyan." Utos ni Sov sa 'kin. Nag-echo pa ang boses niya sa buong kwarto.

Nasa dulo na siya at nakaupo. Nakahanda na rin ang pagkain kaya umupo na rin ako sa silya na medyo malayo sa kanya.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang ingay mula sa mga nag-uusap at nagkakamustahan. Palakas ito ng palakas hanggang sa pumasok na nga ang mga kasamahan ko sa dining area. Ang ilang pumasok ay nagtaka pa sa presensya ko, mayroon pa ngang nagulat.

Nasurprise ko yata.

"Diba siya 'yung amateur?" Bulong ng isa sa kasama niya pero narinig ko naman. Turuan ko kaya 'to kung paano bumulong?

"Irine!" Umalingawngaw sa area ang pamilyar na boses. "Irine!" Napatayo ako nang marinig ko ulit  si Cyndel. Hinanap ko kaagad siya.

"Cyndel!" Pagkakita ko sa kanya ay napatakbo ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ayos ka na ba?" Tanong niya.

Kumalas ako sa yakap at ngumiti. "Ayos na ayos!"

Tumawa kaming dalawa. "Mabuti naman! Alam mo bang umiyak ako ng isang araw nang nasaktan ka? Miss na miss na kita!"

"Miss naman na rin kita!"

Halos umiyak na kami ni Cyndel sa kadramahan namin. Parang isang taon kaming hindi nagkita at natutuwa ako na ngayon ay kasama ko na siya.

"Bakit ako hindi mo namimiss?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Nisha!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"Miss na rin kita!" At kami naman ni Nisha ang sumunod na nagdrama.

"Sandali.." Kumalas ako sa yakap niya. "Magkakilala na ba kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Syempre naman! Dahil kaya sayo kaya naging closed friends kami." Pumunta si Cyndel sa tabi ni Nisha.

Aba! Tingnan mo nga ang dalawang 'to. May pakawit-kawit na ng braso. Natawa ako nang bahagya. Hindi na ako magtataka kung nagkasundo sila, masyado kasi silang masiyahing dalawa.

"Tama na 'yang drama! Kumain na tayo." Natatawang sabi ni Sov.

Tumingin ako sa iba. Nakakahiya! Nakatingin pala silang lahat sa 'min.

Mabilis kaming umupo para makaiwas sa mga tingin nila. Hindi ako makapaniwalang kasama ko sa iisang guild ang dalawa kong kaibigan. Mukhang umaayon ang pagkakataon sa 'ming tatlo.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon