Chapter 52 pt. 2

1.8K 69 13
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 52 pt. 2

I R I N E

LIGTAS kaming nakabalik sa palasyo. Dinala namin ang Naiad sa isang cell prison ng palasyo kung saan walang ibang mga kriminal ang nakakulong.

Nakatali na ngayon ang mga kamay at paa ng natutulog na Naiad sa sahig. Nilagyan din siya ng blindfold para hindi niya magamit ang hipnotismo kung sakaling magising siya. Ngayon ay nakahigang patagilid ang Naiad sa loob ng kulungang gawa sa makakapal na bakal.

Naghihintay ang grupo namin sa dulo ng aisle at sa tapat ng cell prison ng Naiad. Tanging ang sulo ng apoy na nakakabit sa pader ang nagiging ilaw namin. Sobrang bigat ng atmosphere dahil balita kong nasa kabilang aisle ng prisinto ang ibang mga kriminal na nakakulong din.

Ilang minuto pa ay nakarinig kami ng yapak sa kabilang dulo ng aisle kung nasaan kami pumasok kanina. Naglalakad na papunta sa direksyon namin ang grupo na pinangungunahan ni Eoin at Sister Leyva.

Nang makarating sila ay kaagad na tiningnan ng bawat isa ang Naiad. Napahawak nang mahigpit si Eoin sa barikada ng kulungan habang nakatingin sa kanya.

"Isang Naiad," sambit ni Eoin.

"Opo, kamahalan," sagot ni Castor. "Sa 'di malamang dahilan ay may nakapasok na isang Naiad sa lupain ng Elf Village."

Tumiim ang bagang ni Eoin. Pansin naman ang pagtataka ng iba na katulad ng pagtataka nang una naming makita ang Naiad.

"Ngunit..." Lumapit din si Sister Leyva sa barikada at pinagmasdan ang balat niya. "Mayroon siyang mga kaliskis?"

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyang Naiad. Hindi ba't isa siyang Siren?" Tanong ni Mestro Carlos.

Umiling si Mestro Anne. "Iyan din ang hinala namin noong una, Mestro Carlos. Pero nang masuri ko ang kanyang pisikal na katawan ay natitiyak kong isa siyang Naiad."

"Sino ang nagpatulog sa kanya?" Humarap sa 'min si Eoin.

"Ako, Eoin." Sagot ko kaya napatingin siya sa 'kin.

"Ireverse ang spell." Utos niya.

Tumango ako. Binuksan naman ni Castor ang kulungan at hinayaan niya akong makapasok at makalapit sa Naiad.

Hinawakan ko ang likod ng kanyang ulo. "Reversus."

Ilang saglit lang ay nagflinch ang katawan niya at gumalaw nang bahagya. Tumayo ako at pinagmasdan lang kung paano siya nakarecover at tuluyan nang nagising.

Lumayo ako sa kanya nang kaagad siyang napaupo at nagpumiglas nang marealize niyang nakagapos siya at hindi makakita. Lingon siya nang lingon sa paligid kahit nakablindfold siya.

"Nasaan ako?!" Sigaw niya. "Tulong! Tulong!"

"Manahimik ka!" Sigaw ni Castor. Kaagad naman natigilan ang Naiad. Pansin nang malalim ang paghinga niya nang dahil sa mga nangyayari.

"Sino ka?" Tanong niya. "Pakawalan mo 'ko dito, parang awa mo na."

Pumasok si Castor sa kulungan. "Papakawalan lang kita kung magsasabi ka ng totoo sa 'kin."

Napalunok ang Naiad habang hinahanap ang direksyon kung nasaan nanggagaling ang boses ni Castor.

"Pangako, magsasabi ako ng totoo. Basta't pakawalan mo lang ako."

Kumunot ang noo ni Castor. Lumapit siya sa Naiad at lumuhod para makatapat niya ang mukha nitong may blindfold.

"Sino ka? At bakit napadpad ka sa Elf Village?" Tanong ni Castor.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon