Epilogue

346 20 1
                                    

This is the end of their journey to Safe Zone. Thank you for reading! ♡

***

Epilogue

"God always has something for you, a key for every problem, a light for every shadow, a relief for every sorrow, and a plan for every tomorrow."

Our professor smiled after roaming his eyes around the room. Kinuha niya ang kaniyang gamit sa lamesa at muli kaming tinignan.

"That's all for today, class. See you next meeting," paalam niya at binigyan pa kami ng isang ngiti bago naglakad palapit sa pinto ng room.

Saktong paglabas niya ay tumunog naman ang bell. Sinaraduhan ko ang notebook ko at inilagay iyon kasama ang ballpen sa aking bag.

"Laiza, tara na."

Napunta ang atensyon ko sa nasa unahan ko. I smirked at her. Sinarado ko ang shoulder bag ko at isinakbit ito sa balikat.

"Nasa labas na si Ven," Aleesha excitingly said.

Tumango ako at sabay pa kaming tumayo.

"Maaga pinalabas?" Tumaas ang kilay ko at napangisi nang may maisip. "Baka hindi na naman nakasagot sa recit kaya pinalabas ng maaga."

Aleesha laughed at what I said. 

Pagkalabas namin ng room ay bumungad na agad sa amin ang mukha ni Venice na may malawak na ngisi. Well, mukhang hindi naman iyon ang nangyari sa knaya base sa mukha niya ngayon.

"What's with that smirk?" I saised a brow at napangisi din.

Her smirk became bigger. She looks excited. "Wala na kayong pasok ngayon?" 

Nagsimula na kaming maglakad.

"Wala na. Kayo din?" tanong naman ni Aleesha.

Umiling si Venice bago pumunta sa gitna namin ni Aleesha at hinawakan ang braso naming dalawa.

"Sa mall tayo!" she exclaimed excitingly. 

Sabay kaming napa-iling ni Aleesha, natatawa, at nagsimulang maglakad.

"Para po!" Venice shouted.

Tumigil naman ang jeep na sinasakyan namin sa tapat ng mall. Dumaretso agad kami sa may food court kahit ayaw ni Venice. Gusto daw muna kasi niya mag-window shopping pero dahil gutom na kaming dalawa ni Aleesha ay wala siyang nagawa.

Um-order kami ng fries, burger at drinks pang miryenda. Nag-lunch na din kasi namin bago kami pumasok sa subject namin kanina.

"Sarap," rinig namin sabi ni Aleesha habang kumakain ng burger niya.

"Kanina pa 'yan gutom," baling ko kay Venice.

She chuckled as she watches us.

"Parang hindi ikaw, ah?" I heard Aleesha.

Napabaling ako sa kaya. She smirks at me. Napa-iling nalang ako bago ngumisi rin at sumubo ng dalawang fries.

"Pwede naman kumain sa oras ni Prof, ah?" giit naman ni Venice na mukhang nagawa niya noon.

"Hindi na. Magalit pa sa 'min 'yon." Tumawa ako.

We continue eating while chit-chatting.

"By the way, kamusta pala kayo ni Jackson?" nakangising baling ni Venice kay Aleesha.

Napabaling din ako sa babae.

"Okay naman... kami," simpleng sagot niya na mukhang napa-isip pa.

"Anong 'okay naman'? Bakit? Kayo na ba?" tsismosang tanong ng kaibigan namin.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now