Chapter 7

241 20 1
                                    

Chapter 7: Bodyguards

Elaiza's POV

Malakas na pagsabog ang aking narinig na nagpagising sa akin.

Mabilis kong naimulat ang aking mga mata at agad na nilibot ang paningin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ang mga kaklase ko na ligtas. Doon lang ako nakaramdam ng hilo dahil sa biglaang paggalaw.

"Anong nangyari?" gulantang natanong ng kagigising lang na si Nite.

Nakita ko naman si Venice na kinukusot ang mga mata at mukhang nagising din dahil sa aming narinig.

"May sumabog ata?" hindi siguradong sagot ni Hanz.

"Saan 'yon?" tanong ni Blaze bago tumayo at sumilip sa bintana. 

Napa-atras ito nang bumungad sa kaniyang ang mga zombrex.

Bigla ko namang naalala yung kagabi. Nakatulog kaya siya?

Napatingin ako kay Yuann nang bigla itong tumayo at naglakad papunta sa kabilang bintana upang sumilip din.

"Look, guys," aniya sabay turo labas ng bintana.

Nauna akong tumayo at lumapit sa kanya. Nang sumilip ako ay nakita ko ang nasusunog na gusali na malapit lang sa amin. Iyon siguro ang ospital na nakita ko kahapon.

Lumapit na rin ang iba at sumilip din sa bintana.

"Oh my..." Napahawak sa bibig si Quin dahil sa gulat.

"Ano nang gagawin natin?" nababahalang tanong naman ni Irene.

"Gutom na ako," daing naman ni Francine.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakahawak na sa kaniyang tiyan. Napa-upo ito sa tabi.

"Ako din," Venice said.

"Naku! tiisin niyo muna 'yang gutom niyo. Wala tayong pagkain dito, naiwan sa labas," giit naman ni Aleesha.

"Try niyong maghanap," suhestiyon naman ni Zeke at nanguna sa paghahalungkat ng mga bag na nasa loob.

Tumayo si George upang kunin ang isang bag na nakapatong sa itaas na kama ng double deck bed at hinalungkat iyon ngunit wala siyang nakitang pagkain.

Nagulat kaming lahat nang isang pagsabog na naman ang aming narinig.

"They're dropping bombs," wika ni Blaze habang nakatingin sa bintana.

Lumapit ako sa kanya upang sumilip. May nakita akong dalawang helicopter sa himpapawid. Mabuti nalang at hindi ganoon kalapit sa amin ang pagsabog.

"We're not safe here. Baka mamaya, dito na nila ihulog ang bomba."

"Yuann's right," pagsang-ayon ni Zeke sa sinabi ng lalaki.

"We can't go outside, delikado," I said.

"Pero mas deliakdo kung magi-stay lang tayo dito," pagkontra sa akin ni Francine.

Tama naman siya. Pero kung lalabas kami dito, paniguradong hindi na magtatagal ang buhay namin. Maraming infected ang makakasalamuha namin. Imposibleng makalabas kaming lahat dito sa resort ng buhay. Wala pa rin kaming plano kaya mahihirapan kami.

"Pres, hindi ba sabi mo may tutulong sa atin?" Nite asked.

Tumango ako.

"Where are they?" Quin asked.

Sumilip akong muli sa bintana. Napansin kong wala nang mga infected sa labas. Hindi ko alam kung nasaan na sila. Siguro ay sinundan nila ang tunog gaya ng nangyayari sa mga movie. Zombies are sensitive to sound, like what always happened in the movie.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now