Chapter 19

190 16 0
                                    

Chapter 19: Family

Elaiza's POV

"Ate Lai!"

Nakita ko kung paano nakangiting tumakbo palapit sa akin si Sofie. Lumuhod ako at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.

"I miss you, ate Lai."

I smiled after hearing that. I can feel hot tears in my eyes.

"I miss you too, Sofie." 

Humigpit ang pagkakayakap niya sa aking leeg.

Nang kumalas kami ay si Tita naman ang sumunod na lumapit sa akin.

"Lai..." She pulled me so she can give me a warm hug. "Mabuti at ligtas ka."

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako. 

"Thank you, Tita..." I breathily said to her.

Ngumiti siya sa akin bago napatingin sa mga kasama ko. Muli nitong binalik ang tingin sa akin.

"Kayo nalang?" mabagal niyang tanong.

Ngumiti ako kasabay ng pagkirot ng dibdib nang maalala ang lahat ng mga nangyari sa amin mula noong outing, kung saan ang isang hindi inaasahang pangyayari ang nasaksihan namin. Noong unang kuhanin sa amin si Ma'am Jeena, sunod si Dave. Noong mamatay si Patrick at si Chesca noong sinubukan niyang balikan ang boyfriend niya. Noong mawala sa amin sila Hanz, Tammy at George matapos naming subukang iligtas si Chesca. Noong ma-stuck kami sa isang hideout na naging dahilan ng pagkamatay nila Andrei, Kriztel, Oprah, Ryan, Francine at Markus. Noong makapunta kami sa bahay ko. Noong magsakripisyo ng buhay sila William at Yuann para makaligtas kami. Nang mawala sa akin si Blaze. Hanggang sa ma-rescue kami at makarating kami dito.

On this journey to Safe Zone, I lost many of my friends—my family. 

"I'm so sorry." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

I smiled sadly. "Wala naman po kayong kasalanan." 

Umiling si Tita.

"Kung natulungan ko lang agad kayo nung nasa resort pa kayo," nakatungong sambit niya.

Hindi ako nagsalita, sinubukang makipag-komunikasyon sa kanya gamit ang mga mata. Bumaling ako kina Venice. Hawak-hawak ni Quin si Sammie na ngayon ay hindi na umiiyak. Nilapitan ko si Dad.

"Um, Dad, can you help my friends? Gusto nilang hanapin ang pamilya nila," I asked.

"Yes, of course." Tumango si Dad.

"And the little boy, he's Sammie." Tinuro ko ang bata.

"Niligtas niyo siya?" tanong ni Dad pagkatapos bumaling sa bata. He smiled at me... proudly.

I nod my head. "Actually, kasama niya 'yung mama niya nung makita namin sila pero infected pala siya..."

I then remembered Blaze.

"That's very hard for him, for sure. Don't worry, si Antoneth na ang bahala sa kanya." Bumaling si Dad sa kaniyang kapatid.

"Thanks, Dad." 

Ngumiti ako nang halikan niya ang ulo ko.

"Lucas." Tinawag ni Dad ang isa sa mga sundalong kasama niya.

"Yes, Sir?" Lumapit ang tinawag niya. 

May sinabi si Dad sa kanya na hindi ko naman narinig. Maya-maya'y tumango ang sundalo at nilapitan ang mga kaibigan ko.

"You need to come with me, Lai," Dad glanced at me.

Tumango ako.

"You, too, Vergel." Baling ni Dad sa kanya.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now