Chapter 6

243 21 1
                                    

Chapter 6: Virus

Elaiza's POV

"Ma'am Jeena!"

Lahat kami ay napatayo sa kina-uupuan. Ang ilan ay tumakbo palapit kay Ma'am Jeena na ngayon ay nakahandusay sa buhangin habang ang ilan ay hindi makagalaw sa nasaksihan.

Naunang makalapit si Dave kaya agad niyang tinapik ng mahina ang mukha ni Ma'am Jeena.

"Ma'am?" pagtawag niya dito.

Napaluhod naman si June, kinuha niya ang kamay ni Ma'am at pinakiramdaman ang pulso nito. Lahat kami ay naghihintay sa sasabihin niya.

Ngunit nang makita ko ang reaksyon niya ay alam ko na ang sagot. Marahan niyang ibinaba ang kamay ni Ma'am Jeena at inilagay iyon sa tiyan ng guro. Hinarap kami ni June.

"W-wala na si Ma'am."

Kahit na alam kong iyon ang sasabihin niya ay hindi ko pa rin maiwasang mapakurap ng ilang beses sa gulat. 

"Ano?" rinig kong gulat na tanong ni Zeke.

"No..." nanginginig na sambit ni Quin at nasundan ng hagulhol.

Habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Ma'am ay napunta ang tingin ko sa leeg niya na kanina ay dumudugo ngunit ngayon ay hindi na. Kumunot ang noo ko.

"T-tignan niyo," sabi ko sabay turo doon.

Sinuri naman iyon ni Dave. "Parang... parang bakat ng mga ngipin." 

Agad na lumapit ang ilan sa amin upang tignan at suriin iyon.

Bakat ng mga ngipin? Mas lalong kumunot ang noo ko. 

"Parang kinagat," naguguluhang sabi ni Andrei.

"OMG... I'm scared!" natatakot na tili ni Oprah.

Binalingan siya ni Hanz upang sitahin. "Shh!" 

Nagulat kaming lahat nang biglang mangisay ang kaninang walang buhay na si Ma'am Jeena. Napalayo ang ilang malapit sa kanya ngunit nanatili sila Dave at June sa tabi ng guro.

"Ma'am?" pagtawag nilang dalawa.

Hindi huminto sa pangingisay si Ma'am. Napakunot muli ang noo ko nang biglang magsibakatan ang mga ugat nito sa katawan. Sunod na nanlaki ng mga mata ko nang makita na wala nang itim sa mga mata niya.

What the...

Napa-atras lalo kami sa kanya ganoon na rin sila June.

"A-anong nangyari kay Ma'am?" Bakas sa boses ni Francine ang takot.

"Hindi ko alam," umiiling na sagot ni Irene.

Natigil sa pangingisay si Ma'am Jeena. Nagkatinginan kaming lahat bago muling lumapit si Dave sa kanya. Walang nagsalita at tanging ang alon lang ng dagat ang aming naririnig. 

"M-ma'am?" kinakabahang tanong ni Dave.

Nagulat kami sa sunod na nangyari.

"Argh!" malakas na sigaw ni Dave nang bigla siyang kagatin ni Ma'am Jeena sa kanang braso.

Pinilit bawiin ni Dave ang kaniyang braso na kagat-kagat ni Ma'am. Tinulungan ito nila June ngunit ang iba ay napako sa kinatatayuan dahil sa nakita.

Humakbang ako para tulungan sana si Dave ngunit hinawakan ni Venice ang braso ko na parang pinipigilan. 

"A-anong nangyayari kay Ma'am?" Lyka asked confusedly.

Walang nakasagot sa kanya dahil lahat ng atensyon namin ay nakatuon kay Dave at Ma'am Jeena.

Safe Zone (Zone Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon