Chapter 3

315 22 4
                                    

Chapter 3: Thief

Elaiza's POV

Malakas na busina ng saksayan at makakapal na usok ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa labas ng exclusive subdivision namin.

Napatingin ako sa relong suot ko at napabuga ng hangin nang makita kung anong oras na. 7:29 AM. Isang minuto nalang at start na ng klase. 

Wala akong choice kung hindi maglakad palabas ng subdivision namin at mag-commute. Nasira kasi ang kotse ko at ngayon palang ipapa-ayos ni Tita. Wrong timing pa dahil late akong nagising. 

Wala namang kotse sila Tita, nasa bahay nila. Minsan ay pinapahiram siya ng agency nila pero tuwing may mission lang. No choice talaga.

At dahil wala pang jeep na masasakyan ay inilabas ko muna ang aking Iphone ko at nag-text kay Venice.

To: Venice
Male-late ako ng pasok.
7:30 AM

Hinintay ko ang reply niya.

From: Venice
Hala ka Frenny, dito na si Ma'am! Sasabihin nalang namin. Ingat <33
7:31 AM

To: Venice
Thanks!
7:31 AM

Itatabi ko na sana ang phone ko sa bulsa nang may biglang sumulpot na lalaki sa harapan ko at mabilis na hinablot ang hawak ko.

Shit of paper!

Kumaripas ito nang takbo matapos makuha ang phone ko. Agad ko naman itong hinabol.

"Hoy!" sigaw ko habang hinahabol siya. "Magnanakaw!"

Mas lalo pa niyang binilisan ng pagtakbo. At dahil bahagya siyang nakaharap sa likod niya, sa akin, ay hindi niya nakita ang lalaki sa harapan niya. Halos tumilapon ang lalaki nang makabunggo ang isa pang lalaki. 

Sa gitna na pagtakbo ay humaglpak ako sa tawa dahil sa napanood. 

Pero muli akong nag-panic nang makita ang pilit na pagtayo ng magnanakaw.

"Hawakan mo 'yang lalaking 'yan! Magnanakaw 'yan!" sigaw ko sa lalaking nakabangga niya.

Akmang tatakbo na ulit sana ang magnanakaw nang mahawakan ito sa braso nang lalaking naka-black cap. Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas ang magnanakaw ng ng patalim. Nahinto ako sa pagtakbo sa sunod na nangyari.

Mabilis na sinipa ng lalaking naka-cap ang tiyan ng magnanakaw kaya napaluhod ito sa sakit at nabitawan ang phone ko. Nakahanap ng tiyempo ang lalaking naka-cap at mabilis na ipinulupot ang kaniyang hita sa kaliwang braso ng magnanakaw kung saan siya nakahawak ang patalim. Hawak pa rin niya ang braso ng magnanakaw habang ginagawa iyon. Tsaka niya lang tinanggal ang hawak nang makuha niya ang patalim. 

Agad na kumaripas ng takbo ang magnanakaw nang makawala sa lalaki.

Nang makalapit ako sa kanya ay napahawak ako sa mga tuhod ko at hinabol ang aking hininga. Nakita kong dinampot ng lalaki ang phone ko.

"Thanks," I breathelessly said sabay kuha ng phone ko sa kanya. "That's cool by the way."

Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla niya akong tawagin.

"Hey."

Napalingon ulit ako sa kanya. Doon ko siya mas lalong napagmasdan. He's wearing a plain black V-neck tee, black ripped jeans, black sneakers, and his black branded cap.

Paborito niya sigurong kulay ang black. 

At dahil na rin sa suot niya ay mas lalong nadedepina ang maputing kulay ng balat niya.

"Yes?" I smiled at him.

I looked at his emotionless face. I was immediately attracted to his sharp jaw. He has a pair of deep dark brown eyes, thick yet clean eyebrows, a pointed nose, and red pouty lips. He looks familiar though.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now