Chapter 5

267 21 2
                                    

Chapter 5: Run

Elaiza's POV

"Ate Lai!"

Mabilis akong luminga nang marinig ang boses ni Sofie ngunit hindi ko siya makita. Sobrang daming tao, nagtatakbuhan, nagkakagulo. 

"Sofie?" Patuloy ko siyang hinanap.

"Ate Lai, I'm scared!"

Nag-echo ang boses niya sa aking tenga. 

"Sofie? Where are you?" 

Lumakas ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko siya makita. 

"Please help us..."

Unti-unting lumabo ang paningin ko. Naging blurred ang lahat.

"Sofie! nasaan ka?"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumambad sa akin ang aking pinsan, umiiyak. 

"Sofie!"

Natigilan ako at hindi nakahinga nang makita ang isang taong biglang sumulpot sa likod niya at kinagat ang leeg nito.

"N-no," nanghihinang sabi ko.

Bumagsak ang katawan ni Sofie at ilang saglit pa ay bigla siyang nanginig. Gulat na gulat ako nang tumayo ito, ngunit iba na siya.

Hindi ako nakagalaw nang tumakbo siya palapit sa akin... at handa na akong... kagatin!

Ahh!

Naimulat ko ang aking nga mata kasabay ng paghabol sa aking hininga. Para akong nag-marathon sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Napapikit ako nang mapagtantong panaginip lang pala.

"Are you okay, babe?"

Hindi ko napansin na nandito pala sa loob si Blaze at dahil sa gulat ay nasipa ko siya na kanina ay naka-upo sa dulo ng kamang hinihigaan ko.

"Aw!" daing pa nito at humawak sa kama para makatayo.

Nakalimutan kong tinuruan nga pala ako ni Dad ng karate.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.

Nakatayo na siya mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"Kapapasok ko lang," agap niyang sabi.

"Kapapasok lang? Eh bakit naka-upo ka na sa hinihigaan ko?" I raised a brow.

My eyes widened when I realized something.

His eyes widened too. "I didn't do anything!" 

Agad akong tumayo sa aking hinihigaan at lumapit sa kaniya.

"Tigilan mo na 'ko, Blaze," banta ko ulit sa kaniya.

His lips parted, handa nang magpaliwanag. "Believe me, wala akong ginawa. Kapapasok ko lang dito tapos nakita kitang natutulog." 

I just rolled my eyes.

"Nasaan sila?" tanong ko kahit alam kong nandoon lang naman sila sa labas.

"Nasa labas, tara na?" Pag-aaya niya habang nakangiti na.

Naglakad ito papunta sa akin pero hindi na ito nakalapit pa nang tumama ang kamao ko sa pisnge niya.

"Ouch?" daing niya habang nakahawak sa pisnge sa may bandang panga niya. "Para saan 'yon?" 

"Para kanina." I smirked before leaving him there.

Nang makalabas ako ay doon ko nalang nalaman na madalim na ang kalangitan. Masyado yata akong nasarapan sa pagtulog.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now