Chapter 2

323 19 1
                                    

Chapter 2: Plan

Elaiza's POV

"Let's proceed to our plan."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay agad na isinarado ng isa naming kaklase na si Andrei ang pinto ng room namin. 

Naupo ako sa upuan ko. Umupo rin naman ang ilan at nag-form ng semi-circle. Ang ilan ay nanatiling nakatayo sa may unahan, malapit sa pinto, nagsisilbing bantay.

"Anong subject ang ie-exam natin ngayon?" I asked.

"Pre-calculus," sagot ni June matapos sumulyap sa unahan kung saan nakadikit ang schedule ng exam.

Tumaas ang dalawang kilay ko. Pre-cal! Agad-agad?

Nakita ko naman kung paano nagbago ang ekspresiyon ng mga kaklase ko at napalitan ng pagkabahala. This will be hard.

"Sinong teacher na magbabantay?" muling tanong ko.

"Si Ma'am Lany daw," sagot naman ni Venice.

I heard someone groan. 

"Bakit siya pa?" tanong ni Chesca, namomroblema.

"Patay tayo dyan!" usal naman ni Dave.

"Kung si Ma'am Lany ang teacher, alphabetical order ang magiging sitting arrangement natin." 

Napatango kami sa sinabi ni Francine.

"Kung ganoon, si June ang nasa second line at pinakadulo," ani ko sabay turo sa upuang malapit sa may pinto.

Tumango si June.

"Sa may first line ka naman, Irene." 

Tumingin ako sa kanya, isa siya sa mga kaklase namin na matalino. Minsan na rin siyang naging representative ng section sa isang Math quiz bee. 2nd place. 

"Si Ryan naman sa fourth line at sa fifth si Kriztel," sabi ko sabay tingin sa dalawang kaklase namin.

Hindi sila ganoon katalino tulad nila June at Irene ngunit alam kong may potensyal sila at kaya nilang maipasa ang exam. 

"At sa third line ka naman, Laiza," sabi sa akin ni Aleesha.

Tumango ako. Kung ganoon, magiging madali lang para sa amin na maibigay ang sagot sa mga kaklase namin dahil ang bawat linya ng upuan ay okyupado naming lima.

"May apat na sections tayong sasagutan sa Pre-Calculus 12." Tiningnan ko ang apat na binanggit ko kanina. "Magsisimula tayong lima na magsagot sa section B. Kapag nag-announce na si Ma'am na mag sagot sa section B ay ibibigay natin ang mga sagot sa nasa linya natin, then magsasagot na tayo sa Section C at ipapasa ulit ang sagot sa kanila, and so on," paliwanag ko.

Tumango sila.

"Paano ang section A?" tanong ng isa naming kaklase na si George.

Tinignan ko siya. "Kayo ang magsasagot."

"Ha?" sabay-sabay nilang tanong, hindi sumasang-ayon ang tono.

"Kung pati sa section A ay kami ang sasagot, baka makahalata na sila na magkakapareho ang mga sagot natin," paliwanag ko. 

Napatango ang ilan sa aking sinabi.

Machine ang nagche-check ng mga answer sheets namin kaya hindi kami mahihirapang makapag-kopyahan dahil hindi naman nakikita ng mga teachers ang aming sagot maliban nalang kay Ma'am Lany na palaging chine-check ang sagot sa unang section ng mga answer sheets namin tuwing magpapasa kami. Kaya kapag nalaman niyang magkaka-parehas ang mga sagot namin ay siguradong patay na.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now