Chapter 13

212 17 7
                                    

Chapter 13: Escape

Elaiza's POV

Nagising ako dahil sa mahihinang boses na narinig ko. Minulat ko ang mga mata ko at inilibot ang aking paningin kahit nanlalabo pa.

Maraming wala sa amin. Nakita ko sila Achilles, Vergel at Blaze na nakatayo at nag-uusap. Nakaupo naman si June at nakikinig sa kanila. Naka-upo rin si Quin sa banig at mukhang kagigising lang, ganoon din si Irene. Si Nite naman ay parang ewan na nakatulala sa tatlong lalaking nag-uusap.

Napatingin ako sa mga katabi ko. Mahimbing pa ring natutulog si Aleesha habang nakatulala rin naman si Venice.

"You okay?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito at umupo rin gaya ko.

"Good morning, frenny." Pinilit niyang siglahan ang kaniyang boses.

"Asan sila?" tanong ko.

Nakuha ko naman agad ang atensyon ng apat na lalaki maliban kay Nite na ganoon pa rin, tulala.

"Inutusan na naman," sagot ni June sa tanong ko.

"Good morning, babe," nakangising bati ni Blaze sa akin.

"Morning," tipid na bati ko.

Nagtama ang paningin namin ni Achilles. Nakalagay ang kamay nito sa bulsa ng kaniyang hoodie at nakataas ang kaliwang kilay. Medyo magulo rin ang kulay abong buhok nito, mukhang inaantok pa.

Why does he look hot in the morning?

Inalis ko ang tingin sa kanya.

"Alam ko na kung paano tayo makakaalis dito."

Napatingin ako kay Vergel dahil sa sinabi niya.

"How?" tanong ni Quin habang nag-aayos ng kaniyang buhok.

"Nakita ko 'yung shuttle bus natin sa likod ng warehouse. Hindi lang 'yon dahil may nakita rin akong shortcut para makalabas tayo sa gubat na 'to. That road looks familiar. I'm sure we can escape."

He sounded so sure. Bahagyang nawala ang nababahalang pakiramdam ko.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Aleesha.

"Paano naman tayo makakalabas?" Irene asked.

"Oo nga? Madaming bantay, 'di ba?" Si Venice.

"Don't worry, I have a plan." Ngumisi si Vergel.

"What's the plan?" Tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Well, some of you will go to the bus para magtago. You'll stay there, hidden, hanggang mag-gabi, at kapag wala na ang mga bantay, susunod ang natitira," simpleng sambit niya na para bang sobrang dali lang.

"So magtatago lang ang kalahati sa atin doon sa bus hanggang sa mag-gabi?" pag-uulit ko.

"Yup."

"Pero paano kapag hanapin sila?"

Naunahan ako ni Venice na magtanong.

Nilingon ko si Aleesha na ngayon ay gising na.

"Morning," she mouthed.

I smiled at her.

"Then we'll make an excuses para pagtakpan sila," sagot nama ni June.

"Pupunta kami nila Achilles, Blaze at June sa storage room." Sabay lingon ni Vergel sa tatlo.

"Anong gagawin niyo doon?" kunot-noong tanong ko.

"May nakita kaming mga baril na pwede nating magamit. Kukuha din kami ng ilang pagkain, just in case."

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now