Chapter 16

204 17 4
                                    

Chapter 16: Ready

Elaiza's POV

"Good night, my thief."

Lumabas ito ng kwarto ko habang ako ay naiwang nakatulala. Did he just... kiss me?

Naipikit ko ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kanina. Uminit ang pisnge ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. That was my first kiss.

Napalunok ako at umiling upang kalimutan ang nangyari na mukhang malabong mangyari. Napaupo ako sa kama at sumilip sa bintana ng aking kwarto. Bigla kong naalala si Dad.

Is he okay? Ligtas kaya siya?

Napalingon ako sa pinto nang may marinig na boses. Tumayo ako at nilapitan 'yon.

Binuksan ko ang pinto ngunit agad ko ding naitigil nang makita si Aleesha at Jackson na magkausap. Nasa loob pa rin ang kalahati ng katawan ng aking kaibigan at nakahawak sa doorknob.

"May kailangan ka?" rinig kong tanong ni Aleesha.

Kahit medyo madilim, nakita ko pa rin ang paglunok ni Jackson bago siya umiling.

"Gusto ko lang tignan kung nakatulog ka na," mahinang sambit niya.

Tumaas ang kilay ko.

"Patulog na sana," sabi naman ni Aleesha.

"Sorry... Naistorbo ba kita?" Jackson scratched the back of his head.

"Hindi naman... Salamat pala sa pagtulong sa amin." Ngumiti ang aking kaibigan.

"Wala 'yon..." Ngumiti pabalik si Jackson.

"Bakit mo pala kami naisipang tulungan?" Aleesha carefully asked.

Nanatili naman akong nakasilip sa kanila,

"Gusto ko kayong tulungan. Sa totoo lang, humingi ng tulong sa 'kin si Elaiza," he said.

Nagulat siya nang hawakan ni Aleesha ang balikat nito.

"Salamat talaga, Jackson. Utang namin ang buhay namin sayo." Ngumiti ang kaibigan ko.

Okay, he's really blushing right now. Napangisi nalang ako bago isarado ang pinto. Then I remember Rebeca. Nasaan na kaya 'yong babaeng 'yon?

Sumalampak ako sa higaan at kinuha ang malaking unan sa tabi upang yakapin. Maya-maya ay humikab ako at nakaramdam ng antok.

Kinabukasan, mag aala-siete na nung magising ako. Nag-unat-unat pa ako bago tuluyang tumayo. Lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Naabutan ko agad si Achilles na nakahiga sa sofa at natutulog pa rin.

Muli ko na namang naalala yung nangyari kagabi. Shoot!

Wala naman doon si Vergel at si Blaze, pati rin si Jackson.

May narinig akong kung ano sa kusina kaya pumunta ako doon. Nakita ko si Aleesha na nakaupo at pinapanood si Jackson na busy naman sa pagluluto.

"Good morning...?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Laiza!" gulat na sabi ni Aleesha.

Nilapitan niya ako at binigyan ng yakap. "Good morning."

Ngumiti ako bago bumaling kay Jackson.

"Uh, sorry. Pinakialaman ko na 'to. Gutom na kasi ang kaibigan mo kaya nagluto na ako," paliwanag niya.

"Okay lang." Tumango ako.

Bumaling ako sa aking kaibigan at nagpaalam. Dumaretso ako sa banyo para mag hilamos. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin ako. Naabutan ko na silang kumakain.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now