Chapter 11

208 15 1
                                    

Chapter 11: Hideout

Elaiza's POV

Mabilis akong tumayo at pumasok sa loob ng bahay matapos iyong sabihin ni Achilles. 

And... he's right. Wala nga sila sa loob. Mas lalo akong kinabahan.

"Anong sinabi mo? Na-kidnapped?" rinig kong sambit ni Blaze maabutan ko sila.

"Sino naman ang ki-kidnap sa kanila?" tanong ni June.

"Hindi ko kilala pero alam kong madami sila at may mga armas silang dala, nakita ko sila kagabi." 

Napatingin ako kay Achilles. When he looks at me, I know he's serious.

"Laiza..." Narinig kong sinabi ni Aleesha.

Nilapitan ko siya.

"Sila Venice..." mangiyak-ngiyak niyang saad.

Tuluyang ko na siyang niyakap.

"We'll find them," bulong ko sa kanya.

"Where can we find them?" tanong naman ni Irene.

"I don't know but we will find them," mariin kong sabi.

"Is it too dangerous. Kung mahanap man natin sila, baka kung ano namang gawin nila sa atin," nangangambang sabi ni June. 

Napa-isip ako sa sinabi niya.

"Gaya ng sinabi ni Achilles, marami silang armas. N-nagawa nilang patayin si Hanz..." 

Muli kaming napatingin sa katawan ni Hanz. Mas lalo akong na-disappoint sa sarili. Ngayong araw, una si Chesca, sundo si Hanz, nawawala pa ang iba sa amin.

Sinubukan kong magpakatatag. I am strong. I need to be strong despites all of this. 

"We have weapons," giit ko.

Napa-iling ng isa si Achilles. "It's not enough. Mukhang madami sila." 

"I don't care. Basta kailangan natin silang mahanap."

I know I'm being reckless pero ang mahanap ang mga kaibigan namin ang tanging nananaig sa isip ko.

Kinakabahan ako. Baka kung ano ng nangyayari sa kanila. Baka sinaktan na sila nang mga dumukot sa kanila. Or worst, tino-torture. Ayokong mabigo ulit sa pagkakataong ito kaya kailangan kong gawin ang lahat.

"T-tammy?"

Napatingin kaming lahat kay Irene at ganoon nalang ang pagkagulat nang makita si Tammy sa harapan niya.

I blinked twice as I realized na hindi na siya ang dating si Tammy. Bakat ang mga ugat sa kaniyang katawan at wala ng ang itim sa kaniyang mga mata.

Tammy's gone... Another one, Elaiza. Damn!

Pinigilan ko si Achilles nang makitang babarilin niya ito. Umiling ako nang tignan niya ako.

"Stay away from her," wika niya at hinawakan ang pulso ko.

Napatango nalang ako at pinanood si Tammy.

"Tammy," naiiyak na saad ni Irene.

"We need to go." Sinubukang tigasan ni June ang boses niya ngunit nabakas ko ang takot at lungkot doon.

"Pero—" 

"Wala na siya, Irene," putol ni Blaze sa kanya.

Naalarma kami nang humakbang si Tammy palapit kay Irene. Lumapit ako dito upang ilayo siya.

May kung anong tunog kaming narinig mula sa likuran namin na nasundan ng putok ng baril. I saw Achilies pointing the gun behind us.

"Dumarami na sila." 

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now