Chapter 4

285 21 3
                                    

Chapter 4: Video

Elaiza's POV

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa baba ng bahay. Hindi ko naman maimulat ang aking mga mata dahil sa liwanag na tumatagos sa bintana. Nag-inat-inat muna ako at kinusot ang mga mata.

"Anong oras na ba?" I sleepily asked myself.

Napatingin ako sa wallclock at agad na nanlaki ang mga mata nang makita kung anong oras na. Dali-dali akong tumayo sa kama at nag-ayos ng gamit na aking dadalhin para sa outing dahil hindi ko pala iyon na-ayos kagabi. Nag-movie marathon pa kasi kami nila Tita Antoneth ng isang action series sa Netflix.

Saktong pagkatapos mag-ayos ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

[Frenny!]

Nailayo ko ng kaunti ng phone sa aking tenga.

[Nasa'n ka na?!]

"Nasa bahay pa, kagigising ko lang," sagot ko habang isini-zipper ang bag. Matapos ay ipinatog ko iyon sa aking kama.

[Sabi na eh. Kung hindi mo tinawagan, baka nagsi-swimming na tayo't lahat, natutulog pa rin 'yan.] Boses naman ni Aleesha ang narinig ko.

I chuckled. "Sorry na."

Ini-loud speaker ko ang phone ko at binuksan ang cabinet para kumuha naman ng damit na susuotin ko ngayon.

[Naku! Bilisan mo na Frenny!]

"Opo, ayan na!" sinabi ko habang inilalapag ang damit sa kama.

[Hintayin ka nalang namin sa tapat ng school. Kailangan bago mag 10:30 nandoon ka na ah?] bilin pa ni Aleesha.

"Yep! Kitakits." I ended the call.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako matapos maligo. Napabaling ako ng tingin sa wallclock.

"Ten-sixteen," I uttered.

I decided to wear a violet long-sleeve checkered shirt, inside is my black spaghetti strap top tucked into my high-waisted denim shorts and a Nike black slip-on sneakers. My hair is in a messy ponytail dahil na rin sa pagmamadali.

Pagkababa ko ay nakita ko sila Tita at Sofie sa sala, nagkikilitian.

"Oh, Lai, kagigising mo lang? Naka-alis na ba sila?" natatawang sambit ni Tita.

I pouted, "Tita naman."

Tumawa naman ito.

"Ate Lai, where are you going?" tanong naman ni Sofie sabay lapit sa akin. 

Hanggang hita ko lang siya kaya kinailangan kong bumaba upang mapantayan ko siya.

"May outing kami ng classmates ko, baby," nakangiting sagot ko.

"Pwede pong sumama?" she asked cutely.

"No, Sofie." Si Tita na ang sumagot.

Humarap ang bata sa kaniyang ina. "Why Mommy?"

"Kasi mga adults lang ang pwede doon."

"Pero malaki na po ako, hindi na po ako nagmi-milk sa bottle ko, sa baso na po." Ngumiti ito.

Tita and I both chuckled.

"Maybe some other time, baby." Ginulo ko ang buhok ni Sofie.

"Promise?" Itinaas pa nito ang pinky finger niya.

"Promise." Itinaas ko din ang pinky finger ko at pinag-locked iyon sa kanya. I smiled.

"Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Tita sa akin.

Safe Zone (Zone Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang