Prologue

601 21 7
                                    

Prologue

Ang buhay ay parang isang survival game, kailangan mong maglaro para mabuhay. 

Different challenges, different levels, and different modes.

Pero paano kung isang umaga, magising ka nalang na parang nasa isang survival game situation ka na, kung saan kailangan mong lumaban para mabuhay. 

Gumamit ng mga armas para ma-protektahan ang sarili.

At maging matapang sa lahat nang mangyayari.

Well, all you need to do is to fight.

Iyan ang laging sinasabi sa akin ng Dad ko. Kung kinakailangang lumaban ay lumaban pero hindi ka lang dapat lalaban para sa sarili mo kung hindi para na rin sa mga taong nasa paligid mo.

I was about to enter my classroom nang may mabunggo ako, at dahil doon ay nahulog ang cellphone na hawak ko.

"Sorry."

I was stunned for a moment after I heard his deep hoarse voice.

Pinulot niya ang cellphone ko at ibinigay 'yon sa akin. Hindi ko nakita ang kabuuan ng mukha niya dahil nahaharangan iyon ng black cap na suot niya. May shades din itong suot at nasiguro kong hindi siya taga-rito dahil naka-black tribal t-shirt, black jeans, at black sneakers ito.

"Thanks." Kinuha ko ang phone ko sa kanya.

Nakita ko itong simpleng tumango bago ako lagpasan. Tinignan ko lang siya. I raised a brow, can't deny the fact that he looks hot.

Tinignan ko ang cellphone na hawak ko ngunit tumagos ang paningin ko sa sahig at nakita ang isang wallet.

Pinulot ko 'yon at muling bumaling sa pinanggalingan ng lalaki ngunit wala na siya. Tinignan ko ang laman ng wallet at nakita ko ang isang I.D at pera.

"Ohh. Five thousand," bulong ko at saglit na napangisi.

Kinuha ko ang I.D. at tinignan 'yon. Gwapo naman pala siya. Maputi, matangos ang ilong, mapula at manipis ang labi... and cool dark gray hair! 

'Achilles Valderama'

Napakunot ang noo ko nang may mapagtanto. Pamilyar ang style ng I.D. niya. Parang nakita ko na 'to. Nagkibit balikat nalang ako bago inilagay ang I.D. sa loob ng wallet.

Ano naman kayang gagawin ko dito?

For sure, hahanapin naman niya ako kung malaman niya na nawawala ang pera niya.

Sa akin nalang muna siguro 'tong wallet niya. Inilagay ko nalang iyon sa bulsa ng palda ko ang wallet at pumasok na sa loob ng room.

"Good morning, Miss Pres!" bungad na bati sa akin ng kaklase kong si June.

"Morning, Mr. VP." I simply smirked.

"Magandang umaga!"

"Good morning, Elaiza!"

"Uy, good morning!"

Ginawaran ko ng ngiti ang mga kaklase ko bago dumaretso sa upuan ko.

Ganito kami sa room. Hindi lang classmates kung hindi pamilya na ang turingan namin sa bawat isa. Halos anim na taon na rin kaming magka-kaklase, simula Grade 7 ng Junior High hanggang ngayong Grade 12 ng Senior High. Kaya talagang ganito na kami kalapit sa isa't-isa. That's what I like about our section.

"Morning, frenny!" masiglang bati ni Venice, kaibigan ko.

Nginitian naman ko ni Aleesha. "Good morning, Laiza."

"Morning." Nginisian ko sila.

Umupo ako sa tabi ni Venice na kasalukuyang nagi-scroll sa news feed ng kaniyang Facebook account.

"Anong meron? Bakit ang aaga nilang pumasok?" pagtukoy ko sa mga kaklase ko.

"May announcement daw si Ma'am Jeena," sagot naman ni Aleesha.

Muli kong inilibot ang paningin ko. Hindi na ako nagtanong at hinintay nalang ang pagdating ng adviser namin.

"Good morning, Ma'am!" bungad na bati ng mga kaklase kong lalaki nang pumasok si Ma'am.

Sunod kaming bumati nang makarating ito sa gitna.

Ngumiti siya sa amin. "Good morning."

Dumaretso siya sa pagtuturo ng bagong lesson namin sa Entrepreneurship. Nang matapos siyang magturo ay agad iyong nasundan ng pagtatanong ng mga kaklase ko tungkol sa  annoucement.

"Ma'am, ano po yung sasabihin niyo?" tanong ni Nite, halatang excited.

I scoffed. Parang bata pa rin kahit 18 years old na. 

"Oo nga, Ma'am?" Halata sa boses nila ang sabik.

Inayos ni Ma'am Jeena ang laptop niya bago i-focus ang atensyon sa amin. "Since this is gonna be your last year in Senior High, and last year of being a high school student, balak ko sanang mag-outing ang buong section."

Sunod kong narinig ang hiyawan ng mga kaklase ko. Napangiti ako ngunit hindi ko maikaila ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Last year na namin ito.

"But of course, before that, kailangan niyo munang makapasa sa finals niyo this week."

Bahagyang natigilan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Ma'am Jeena.

Aaminin ko, hindi ganoon kagaling ang section namin pagdating sa mga quizes and examinations, but we have a goal: Ang makapasa at maka-graduate ng sama-sama.

"Syempre, maipapasa namin 'yan, Ma'am," pambasag ng katahimikan ni June.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at hinarap kami. "Sabay-sabay nga kaming ga-graduate, 'di ba, guys?" 

"Tama!" pagsang-ayon nila.

The side of my lips rose. Nginitian ko si Aleesha nang tumingin siya sa akin.

"That's good." Tumango-tango si Ma'am, halatang parang proud sa amin.

Mayroon pang ten minutes bago tuluyang matapos ang klase niya kaya ginamit namin iyon para mapag-usapan ang mangyayaring outing.

"Beach ba or pool?" tanong ng isa naming kaklase na si Dave.

"Kayo, ano bang gusto niyo?" tanong ni Ma'am Jeena pabalik sa amin.

"Beach nalang, para pwede tayong mag bonfire," suhestiyon ni Venice.

Marami namang sumang-ayon sa suggestion niya. Napatango naman ako. Mas relaxing kung beach.

"Kung 'yan ang gusto niyo. Sa beach tayo," nakangiting saad ni Ma'am.

Muling naghiyawan ang ilan sa mga kaklase ko, ang iba ay nag-uusap na sa mga pagkaing dadalhin nila.

Natawa ako sa isip, parang ngayon lang nakapag-outing. Pero kung sabagay, ngayon nalang ulit kami nagkaroon ng ganito dahil masyado kaming naging busy nitong mga nakaraang linggo dahil last quarter na namin. 

Nitype ko sa aking cellphone ang mga napag-usapan, mga naka-assign sa pagkain, at iba pa. 

"This is gonna be exciting!" sambit ni Venice.

Napatingin ako sa kanila.

"Same!" pagsang-ayon ni Aleesha sa kaibigan.

"Ikaw, frenny?" baling ni Venice sa akin.

"Syempre," tipid na sagot ko.

Pero hindi namin inakala na pagkatapos ng araw na 'yon ay isang malaking pagsubok ang kailangan namin kaharapin. 

Safe Zone (Zone Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang