Chapter 14

215 15 0
                                    

Chapter 14: Attack

Elaiza's POV

"Anong sabi?" bungad na tanong ni Vergel sa akin.

"Hindi niya tayo matutulungan... Sorry." Napatungo ako.

"It's not your fault. Don't be sorry."

Nag-angat ako ng tingin kay Achilles. I saw how the side of his lips rose, trying to assure me that it was fine. Napangiti rin ako ngunit dismayado pa rin.

"We still need to proceed to our plan."

Tumango ako sa sinabi ni Vergel.

Makakatakas pa rin naman kami kahit walang tulong ni Jackson... right?

Tuluyan nang lumubog ang araw. Mas naging maingat kami lalo na at alam ni Jackson ang tungkol sa plano namin. He can easily and possibly tell Rebecca about our plan.

Kasalukuyan kaming nandito sa maliit na parang cafeteria para mag-dinner. Lahat kami ay nandito maliban kina Zeke, Irene, Yuann, William at Quin na nasa shuttle bus na. Dinalhan naman namin sila ng makakain. Nakabantay pa rin sila June at Marcus sa labas.

Hindi naman ganoon mahigpit ang security nila dahil bukod sa hindi sila marami, ang ilan pa roon ay nasa labas ng hideout, naghahanap ng mananakaw. Nagkakaroon lang mga bantay kapag madaling araw, gabi o kung may iuutos sa amin. Kaya hindi na rin naging mahirap na i-execute ang plano namin.

Iginala ko ang paningin sa loob habang kumakain. Marami kami dito. Gusto ko mang isama silang lahat sa pag-alis namin kaso hindi rin kakayanin. Maliban sa maliit ang sasakyan namin ay mas mahahalata kami kung isasama pa namin sila. Bukod doon, sa tingin ko naman ay mas okay sila dito dahil mas safe at may makakain sila.

But I made sure I'll tell Tita Antoneth about this once we got to Safe Zone so that they can save them.

Mabilis na natapos ang pagkain namin. Pinapunta na kami sa kwarto para matulog gaya ng ginawa kahapon. Sila Vergel, Achilles at Blaze naman ay inutusan kaya hindi ito nakasama sa amin. Alam nila na may iuutos sa kanila at parte iyon ng plano. Sila na ang bahala sa ibang bantay. Ako naman ang bahala sa mga natitira.

Nang makapasok sa loob ay nagsipuntahan kami sa aming mga higaan.

"Kinakabahan ako," natatawang sambit Andrei.

Nagawa pang tawanan ang ganitong sitwasyon.

"Paano kapag nahuli tayo?" nangangambang sambit ni Kriztel.

Hindi ako nakasagot at nanatiling kalmado. I'm prepared. I can easily knock out the guards. Good thing that Dad taught me how to fight even without armor. But truthfully, I can't do that alone. Paano kung isang grupo ng mga bantay at may mga armas pa ang makasalubong namin? We're dead for sure.

"Bakit hindi natin gawin 'yung technique na ginawa natin nung examination?" suhestiyon naman ni Nite.

"Sana ganoon lang kadali." Napa-iling si Ryan sa sinabi ni Nite.

"Ang ibig kong sabihin ay may taga distract ng mga bantay at may look out para hindi tayo mahuli," paglilinaw nito.

"Oo nga," pagsang-ayon nila.

Napangisi si Nite, mukhang proud sa sinabi niya.

"You're genius, Nite," puri ni Oprah.

Nite clicked his tongue. "I know right!"

Agad kaming nagsihigaan nang may marinig kaming mga yapak. Nakapikit ako, kunwaring natutulog, nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong nung lalaki na kapapasok lang.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now