Chapter 10

235 18 6
                                    

Chapter 10: Kidnapped

Elaiza's POV

"B-bitawan mo 'ko."

Pinilit kong alisin ang kamay niya ngunit hindi ko 'yon mabawi dahil. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya. Siguro ay dahil bigla akong nanghina. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Siguro dahil sa mga nangyari kanina...?

"Why do you always run away, huh?"

Naiangat ko ang tingin ko sa kanya. He's now staring at my eyes, sleepy.

He chuckled for a second and then stopped. "I remembered, may utang ka pa nga pala sa akin." 

Shit. But wait, hanggang dito ba naman sisingilin pa rin niya ako?

"Kung sisingilin mo 'ko sa utang ko sayo, I'm sorry but I don't have my money. 'kay?" I raised my brow. 

I was stunned for a moment when I saw him chuckling pero agad ding bumalik sa masungit niyang mukha nang maabutan akong nakatingin sa kanya.

"I'm just here to... apologize," aniya bago bitawan ang aking pulso.

Bumaba ang tingin niya sa kahoy na sahig. Bahagya pa akong nagulat nang isang saglit pa ay nag-angat ito ng tingin sa akin. Our eyes immediately met. I glanced away. Napansin kong nakatingin pa rin ito sa akin kaya lumayo ako sa kanya at lumapit sa may kahoy na railings ng terrace dahil hindi ko kinaya ang mga titig niya.

What the heck is really happening to me?!

"Again, I apologize for what I have said to you earlier. I just..." Hindi na iyon nasundan pa ng salita.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Napalunok ako ng isa.

"I just don't want you to go back there that's why I said that."

I know but I still can't accept what he said. Kaibigan ko si Patrick at nasaktan ako sa nangyari sa kanya. 

"You're... my—our responsibility." 

Napatingin ako sa kanya. He's staring straigthly.

"Yeah..." Napatango ako.  "I get that pero yung sinabi mong kalimutan ko si Patrick, na nagsakripisyo ng buhay niya para makaligtas tayo, 'yon ang hindi ko ma-gets." 

Tuluyan niya na akong hinarap. "Is he really important to you?"

"Yeah, he's my friend, our friend kaya importante siya sa amin," mariing giit ko.

"Friend?" He avoid my gaze and stare out of nowhere. "Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng may kaibigan... Kaya siguro ganoon ang nasabi ko sayo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingala ito habang ang dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang black hoodie.

"You don't have friends?" I slowly asked.

"Yeah," maiiksing sagot niya bago ako sulyapan. Siguro isang segundo lang iyon bago muling tingalain ang madilim na kalangitan.

"What about Vergel? He's not your friend?" Taas-kilay kong tanong.

"He's just my colleague."

Wow. Just a colleague. Kaya pala masungit, walang kaibigan. Saglit pa akong natigilan sa naisip. Hindi ba masyado akong harsh doon?

"Why?" tanong ko pa.

He looks at me. 

"Why don't you have friends?"

"I don't want to." 

I creased my forehead. "Bakit ayaw mo?" 

"'Cause I know, they'll leave me someday."

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now