Last Chapter

235 17 0
                                    

Last Chapter: Trapped

Elaiza's POV

Matapos kong sabihin 'yon ay wala nang nagtangkang magsalita. They were all looked stunned and speechless. Tahimik na nagpatuloy sa pagkain si Lolo. Nahuli naman ng mga mata ko ang pagngisi nila Vergel at Achilles.

Nakangiting tumango si Mommy sa akin na para bang proud sa ginawa ko. That made my heart fluttered. Ngunit mababakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagtutol sa naging desisyon ko. Ganoon din si Daddy. Nakangiti naman at palihim pa akong chini-cheer ng mga kaibigan ko nang madaanan sila ng mga mata ko.

Marahan akong binunggo sa balikat ni Aleesha. "Galing mo do'n, Laiza."

I only smiled at her, still nervous. Tumango-tango rin si Venice na parang sumasang-ayon sa sinabi ng kaibigan namin.

Natapos na ang almusal at nagsi-kaniyang puntahan ang mga kaibigan ko sa kanila-kanilang mga tent, habang sila Daddy at Mommy ay tahimik na sumunod kay Lolo. Hinatid naman ako nila Vergel at Achilles sa kwarto ko.

"Galit kaya si lolo?" biglang tanong ko habang naglalakad kami.

"Bakit naman siya magagalit?" Vergel asked calmly.

"Sinagot ko siya, 'di ba?" I said nervously when I remembered that scene.

Hinarap niya ako at nginitian. "You're cool, you know. At hindi mo naman siya sinagot. Sinabi mo lang naman na hindi ka tulad ng tingin niya sayo. Magkaiba ang sumagot sa nagpaliwanag."

I remained slightly frowning even though he laughed at what he said.

He tapped my shoulder. "What you did was awesome, li'l sis."

"Pretty cool," rinig kong bulong ni Achilles.

Nilingon ko siya ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay na parang pinaparating na huwag kong kokontrahin ang sinabi niya. Narinig ko naman ang pagtawa ng kapatid ko. Naiikot ko nalang ang mga mata ko at sa huli ay napangiti na rin.

Nang makarating kami sa tinuluyan ko kahapon ay saktong may sumalubong sa aming isang babaeng naka-uniporme din. She smiled at us but her eyes remained at me. Bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak nitong itim na box.

"For you, Miss Lacson." Inilahad niya sa akin ang kahon.

Napakunot ang noo ko at pinagmasdan ang ibinigay niya sa akin.

"General Rios has given you thirty minutes to prepare," matigas nitong saad sa akin bago bumaling sa dalawa kong kasama. "Same to you two, Mr. Lacson and Mr. Valderama."

Sinundan namin ng tingin ang pag-alis ng babae.

"Later!" Kumaway si Vergel bilang paalam.

Tipid akong ngumiti bago napatingin sa isang lalaki. Nakita ko ang pag-angat ng gili ng labi ni Achilles at ang simpleng pagtango bago ako talikuran.

Hindi ko alam kung bakit nahawa rin ako at napangiti. Shit. I should be nervous right now! Iniling ko ang ulo ko bago pumasok sa loob container van.

Inilapag ko sa maliit na lamesa ang box na dala at doon binuksan 'yon. Bumungad sa akin ang isang black chest rig bag. I smirked in this coolness. Nang buksan ko 'yon ay mga bala ng baril ang aking nakita. May dalawa ring combat gun at isang granada. Napalunok ako at agad na napa-atras.

I also saw a stick like what Vergel gave us. It's like a pair of arnis stick or baston ngunit may kaliitan upang kumasya sa bag, hindi katulad ng una kong nagamit. Pinindot ko ang ilalim nito at lumabas ang nakatuping mahabang blade.

Nang tanggalin ko sa box ang mga iyon ay saka ko lang nakita ang damit na susuotin ko. Isang black turtleneck long-sleeves top, black combat cargo pants, and combat boots.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now