Chapter 17

198 15 1
                                    

Chapter 17: Hero

Elaiza's POV

Tahimik ang paligid nang lumabas kami ng bahay. May ilang sasakyan kaming nakita sa kalasada. Bukas ang ilang pinto ng mga bahay. Walang katao-tao. Wala ring mga Zombrex.

Binuksan ni Jackson ang pinto ng van. Isa-isa kaming pumasok, tahimik at maingat. Naupo sa front seat sila Achilles at Vergel. Nang makapasok ang lahat at sinarado ni Jackson ang pinto at naupo sa tabi ni Aleesha.

Tahimik ang naging byahe at naging madali rin dahil wala masyadong mga sasakyang nakaharang sa kalsada. Mistulang naging ghost town ang siyudad. Lahat ay kinakabahan maliban kay Nite na masayang kumakain sa likod.

"Pahingi nga ako," rinig kong mahinang sambit ni William.

"Ako rin. Nakakagutom," daing ni Yuann.

"Mga patay gutom. Hindi kasi nagbaon, tsk." Si Nite.

"Kami pa ang patay gutom? Ikaw nga 'tong kanina ka kumakain," Si William.

"Tsk. 'Wag nga kayong mag-away d'yan," sita naman ni Zeke sa tatlo.

Hindi na namin narinig pa ang mga boses nila. Maya-maya ay sumilip ako sa bintana, natanaw ko sa hindi kalayuan ang Franchestar University. Ibang-iba ito sa dating anyo. Wasak ang main building at halatang binomba. May mga nakita rin akong napakaraming dugo sa malawak na front field.

"Woah."

Napatingin ako kay Blaze na gaya ko ay nakasilip din sa bintana.

"Is that our school?" mabagal na tanong ni Irene, hindi rin makapaniwala.

"Guys..." mabagal nasambit ni Zeke.

Napatingin kami sa kanya. Nakatalikod ito sa amin at nakasilip sa bintana sa likod.

"Guys, bilis," natatarantang wika pa niya.

"Baki, Zeke?" tanong ko.

"May mga zombrex," mahina at kinakabahan niyang sagot.

Sumilip ako sa bintana at nakita nga ang ilang zombrex na naglalakad sa likod ng sasakyan namin, ilang metro ang layo nito sa amin.

"Babarilin ko na ba?" tanong ni June.

"No, huwag muna. The gun shots will attract more infected. Mahihirapan tayo." pigil sa kanya ni Vergel.

Naramdaman ko ang pagbagal ng takbo ng sinasakyan namin hanggang sa huminto ito sa mismong tapat ng Franchestar University.

"Bakit tayo huminto?" nagtatakang tanong ni Blaze.

"Wala nang gas?" tanong pa ni Yuann.

"May nakahara," tipid na sagot ni Achilles.

Napatingin ako sa unahan at doon nga nakita ang isang bus na nakaharang sa daan. May ilang kotse ring nakahara at halatang iniwan dahil bukas ang pinto ng mga ito. Ang ilan ay basag pa ang mga salamin.

"Malapit na sila!" natatarantang sambit ni Nite.

Muli akong sumilip sa bintana.

"Fuck."

Nang ibalik ko ang tingin sa loob ay nakita ko si Vergel na tinatanggal ang seat belt niya.

"I guess we will need to shot them?" Kinuha niya ang dala niyang shotgun.

Tinignan niya kami.

"We'll distract them. Kapag wala na sila, pumunta kayo sa may bus, stay there at huwag kayong aalis hangga't hindi pa kami bumabalik," aniya.

Tumango kami.

"Achi, maiwan ka." Baling niya dito at nilingon si Jackson. "Let's go, Jackson."

Tumango ang lalaki.

Safe Zone (Zone Series #1)Where stories live. Discover now