Epilogue 1.1

71 2 0
                                    


"ate mahal ba tayo ni mama" tanong ng isang batang babae sa kanyang nakakatandang kapatid

"oo naman mahal niya tayo" sagot naman ng isang batang babae sa kanyang bunsong kapatid

"pero bakit palagi niya tayong sinasaktan" paiyak na sabi ng bata

"dahil mahal niya tayo" muling sagot niya habang niyayakap ang bunsong kapatid

"mga lintik kayong bata hindi ba't sinabi ko sa inyong maglinis kayo ng bahay ang kalat kalat" sigaw ng kanilang ina na kagagaling lamang sa pagtatrabaho sa bukid

"thrisha ipagtimpla mo nga ako ng kape" sigaw niya sa bata na ngayon ay naginginig sa takot

Agad namang tumayo ang nakakatandang kapatid upang ipagtimpla ng kape ang kanilang ina

"ma ito napo ang inyong kape" kinakabahan niyang sabi habang ibinibigay sa kanyang ina ang mainit na kape

Pagkakuha ng kape agad itong itinapon ng kanilang ina dahilan upang mapaso siya sa kanyang braso

"hindi ba't sinabi kong thrisha, ikaw ba si thrisha hindi porket magkamukha kayo gagawin ninyo akong tanga mga inutil" sigaw niya sa dalawang batang magkamukha

Agad na tumakbo papalapit si thrisha sa kanyang nakakatandang kapatid upang yakapin ito

" ate therese ayos kalang ba" nagaalala niyang tanong

" kayong dalawa ang titigas ng mga ulo ninyo paulit ulit kong sinasabi sa inyo na huwag kayong lalabas upang maglaro" galit nagalit niyang sabi matapos mabalitaan sa kanyang kapitbahay ang pakikipaglaro ng dalawang bata

Kumuha agad ito ng sintoron na pagmamayari pa ng kanyang yumaong na asawa noong nakaraang buwan

"ma huwag po" sigaw ni therese

"hindi ko kayo titigilan hanggat hindi kayo marunong sumunod sa akin" sigaw niya habang hinahampas ng sintoron ang dalawang bata

Nanghihinang tumayo si Therese habang ang kanyang nakakabatang kapatid ay mahimbing na natutulog dapit hapon na at kailangan na niya maghanda ng kanilang hapunan

Kahit nananakit pa ang kanyang katawan dahil sa mga palo na natanggap niya mula sa kanyang ina ay kailangan niya parin kumilos

Nagsaing siya at nagluto ng mga gulay na galing sa kanilang taniman halos inabot siya ng alasyete ng gabi para matapos mabuti na lamang at wala pa ang kanyang ina

Ginising niya rin si Thrisha na puro pasa ang braso at binti naaawa man siya sa kanyang kapatid ngunit wala siyang magagawa...

"kain na tayo" sabi niya sa kanyang kapatid

"sige ate nagugutom nadin ako" tugon naman nito

Magkahawak kamay silang pumunta sa kanilang maliit na kusina

"aba mga walang hiya hindi ako hinintay kumain" sgalit na sigaw ng kanilang ina halatang lasing na lasing

Agad namang nagpatigil sa pagsubo ng kanilang pagkain ang dalawa

"patawad po ma kung hindi po naming kayo nahintay nagugutom napo kasi kami tsaka po akala kopo bukas na kayo makakabalik" mahabang paliwanag ni Therese

"aba't nangangatwiran kapa hindi ba sinabi ko sa inyo na hindi kayo kakain hanggat hindi pa ako kumakain..simula bukas magtatrabaho na kayo bago kumain" sigaw niya sa dalawa

Pagod at pawis na pawis ang dalawang bata habang nagtatanim ng mga kamote sa gitna ng mainit at malawak na bukid ito ay pagmamayari ng isang negosyanteng naninirahan malapit sa kanila

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon