chapter 13

676 34 3
                                    

Nagpaalam na ako sa dalawa at tuluyan ng lumabas ng canteen sinabi ko na lang na marami pa akong gagawin ...andami kong nalaman about sa misteryosong school na ito ano pa kaya ang iba pang nakatagong sikreto sa school na ito.. nakita ko na naman si Therese siya yung babaeng  nagturo sa akin kung saan ang canteen..malapitan nga tutal maagap pa naman..

"Hi ano nga palang section
Mo" tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanyang likuran ...

"Ako nga pala si jade" pagpapakilala ko sa kanya kasi hindi pa ako nakakapagpakilala mula noong una kaming nagmeet..

Wala parin siyang imik ..pipi ba siya pero hindi eh nagsalita naman siya noon ..

Kakapitan ko sana siya sa balikat pero agad niyang nahawakan ang aking  kamay ..

"Tulungan mo ako" naramdaman ko ang malamig niyang mga palad at ang nagmamakaawang boses nakita ko rin ang kanyang mga mata itim lahat bakit parang nagiba ang kanyang anyo bigla na siyang naging isang maputla at makikita sa kanyang mukha ang isang malaking hiwa na dumudugo at ang kanyang leeg naman ay mayrong marka ng lubid...

Bakit ganito hindi ako makagalaw ..hindi niya parin ako binibitawan gusto ko mang umalis at tumakbo subalit nawala ata ang aking lakas..

"Tulungan mo ako pakiusap" ulit niya pang sabi sa akin ..hindi ako makapagsalita dahil sa takot siguro o dahil hindi ko alam ang aking sasabihin ...

"Ano ginagawa mo dito" bigla akong napabalik sa aking ulirat ng marinig ko ang boses na yun ..nawala rin si therese sa aking harapan doon ko na napagtanto na si therese ay isa ring kaluluwang hindi matahimik..

"Pakialam mo ba " sabi ko kay christ

" alam mo ba mukha kang abnormal na may kausap diyan kanina" sabi pa niya sa akin

"Hindi ko kailangan ng concern mo" kaasar kasi

"Tsk" tumalikod na siya sa akin at naglakad  palayo habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa bulsa ng pants..ang cool este hindi siya cool ang yabang niya ..

Naglakad narin ako palayo sa puno ng narra natatakot narin ako malay ko bang multo si therese ..

Naupo na ako sa aking armchair hindi parin mawala s aKing isipan ang sinasabi ni therese ang multong humihingi ng tulong sa akin...ano naman kayang klaseng tulong...ano kaya ang nangyari sa kanya ..haynaku ano ba itong naiisip ko ibinaling ko na lang ang isip ko sa tinuturo ng teacher sa unahan kailangan ko pa palang magaral ng mabuti ....

Mark Pov's

Yes nagkapOv na rin ako magpapakilala nga pala ako sa inyo ako lang naman ang nagiisang gwapo sa school na ito ako si Mark Virgillio Tan anak ng isang detective wala naman akong paki kung kanino akong anak basta gwapo ako ...

Nandito kami ngayon nila andrei at christ sa aming tambayan sa isang rooftop ng ikalawang building medyo luma na ito kaya wala masyadong umaakyat..kaya naging tambayan na rin naman kasi tahimik at malayo sa gulo .. at isa pa boring ang klase ngayon kaya nagcutting kaming tatlo..

Ok ang daldal ko na naman..

May pinaguusapan kasi kami ngayon..tungkol dun sa nangyari kahapon grabe ang puso ko sobrang lakas ng kabog nakakabakla man pero takot din naman ako sa multo noh

"Aray" daing ko bigla ba naman akong kutusan nitong dalawa kong kasama

"Nakikinig ka ba " tanong sa akin ni christ habang seryosong nakatingin sa akin ...nakakatakot talaga itong lalaking ito

"Hah oo ah" sagot ko baka kasi kapg hindi ang isinagot ko makutusan na namn ako

"Sige nga ulitin mo ulit ang sinabi ni christ" epal talaga ang isang to

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon