chapter 4

808 39 0
                                    

Jade's Pov

Tuluyan nang nakalapit sakin ang babaeng nakaitim pero patuloy paring ang aking pagsigaw.. nagbabakasakaling buksan na nila ang pinto

"Ple-ase hu-wag kang lumapit" pakiusap ko sa babaeng nakaitim na lumuluha na ng dugo ang kanyang mga nanlilisik na mata habang nakatingin sakin

"Papatayin kita" sigaw ng babae sakin habang hawak ang aking leeg ..hindi na ako makasigaw dahil sa pagod at takot ..nanghihina narin ang mga tuhod ko tuluyan na akong napaluhod dahil sa pagkakasakal sakin ng babaeng nakaitim..

"Hey hey what are you doing here" rinig kong sabi ng lalaki sa harapan ko kasabay ang mahihinang yugyug sa balikat ko ..

"Hey noisy girl answer me what happened" dugtong pa niyang sabi sakin pero sobrang nanghihina na ako di ko narin narinig ang iba pa niyang sinasabi sakin and everything went black....

Christ's PoV

Nandito ako ngayon sa may stockroom para matulog dahil dito ang napakatahimik na lugar dito narin ako tumatambay kapag hindi pwede sa malaking puno ng narra minsan pa nga nasasaraduhan ako ng pinto dito pero d yun problema sakin dahil may sekreto akong daanan para makalabas

Nagising ako sa maingay na sigaw ng isang babae na nagmamakaawang lumabas tiningnan ko kung sino ang maingay na yun si transfer student lang pala pero anong ginagawa niya dito?? Taka kong tanong sa sarili ko ..

Patuloy parin siya sa pagsigaw kaya lalapitan ko sana siya ng bigla nanaman siyang sumigaw

"Wag kang lalapit" sigaw niya sakin hindi niya ba ako nakikilala lumapit pa ako sa kanya pero sumigaw ulit siya

"Ple-ase hu-wag kang lumapit" pagmamakaawa niya kanino ba niya sinasabi yun tumigil muna ako saglit sa harapan niya ng mapansin ko na nahihirapan siyang huminga at nakikita kong malapit na siyang mapaluhod dahil sa pangangatog ng tuhod niya kaya dali dali na akong lumapit at niyugyug ang balikat niya kinakausap ko siya pero parang d niya ako maintindihan nakikita ko pa sa kanyang mga mata ang takot ..

Ano ba talagang nangyari sa babaeng toh ..buti nalang nasambot ko siya ng bigla siyang nawalan ng malay..

"Open this" sigaw kong sabi sa may labas rinig ko pa ang malalakas nilang tawanan

"Open this fucking door" sigaw ko pang sabi sinipa ko narin ang pinto habang pasan ko sa balikat si noisy girl hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya...

Naramdaman ko naman ang pagbukas nito kaya tinitigan ko ng masama ang mga kaklase ko..nakikita ko naman ang kanilang mga mata na sobrang takot at pagkagulat sa pagkakakita sakin...hindi ko na sila pinansin dali dali na ako pumunta ng clinic dahil sobrang bigat ng pasan ko ..

Elisa's Pov

"What ano naman ang kapalpakan ang ginawa ninyo bakit hindi ninyo alam na nandun si christ" galit kong sigaw sa mga alalay kong lalaki ang tatanga nila at ang isa pang nakakainis buhat buhat ni christ ang babaeng yun na parang iniligtas sa kapahamakan nakakabwisit naibato ko nalang ang basong pinagiinuman ko ng juice dito sa tatlong lalaking inutusan ko..

"Pasensya na elisa sa susunod babawian ko ang babaeng yun para sayo wag ka nang magalit sakin" sabi sakin ni Jeff matagal na itong maygusto sakin maamo ang kanyang mga mukha, gwapo, sikat at mayaman kahit na nasa kanya na ang lahat iba parin ang gusto ko at mahal ko kaya ang ginagawa ko nalang sa kanya para naman may pakinabang pinapaikot ikot ko lang siya sa aking mga palad

"Sige umalis na kayo siguraduhin ninyong hindi na kayo papalpak pa" inis kong sabi sa kanila..

"Sorry na please babe" sabi sakin ni jeff habang nakayakap at hinahalkan ako sa leeg

"Not now hindi mo makukuha ang gusto mo hanggat hindi pa tapos ang mga plano at isa pa palagi kang palpak" sabi ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod at umalis nakasunod naman s kanya ang dalawa niyang kaibigan ata..

Napaupo nalang ako ng marahan sa upuan ko nasa principal office kasi ako ngayon dahil wala pa dito si daddy kaya ito munang office niya ang pinagtatambayan ko ..yup tama kayo ng iniisip anak ako ng principal ng school na ito kaya walang nakakalaban sakin ..

Naiinis na naman akong isipin na parang interesado na naman sa ibang babae c christ bakit ko nasabi dahil ganyan din ang kanyang mga mata nung nakilala niya si Therese speaking of therese mabilis lang siyang nawala sa paningin ni christ napapatawa na lang ako sa mga ginawa ko sa babaeng yun kaso may problema nanaman may panibagong sisira sa plano kong mapasakin si christ..

Akin kalang christ magiging delubyo ang buhay ng babaeng yan sa oras na lumapit pa siya sayo ...

<<<<<<^_^>>>>>>>
Dont forget to click the star button

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon