chapter 22

593 22 1
                                    

Jade's Pov

"Yahooo excited na akong makita ang result ng exam natin" masayang sigaw ni gem

Nandito nga pala kami sa may tapat ng bulletin board hinihintay ang result ..kahit ako naeexcite din hindi ko lang pinapahalata sa dalawa kong kasama kanina pa kasi sila hindi mapakali sa kahihintay ..

Dalawang araw na nga pala ang nakakalipas matapos ang ginawa naming madugong pagsusulit at sa loob ng 2 araw na yun ay hindi parin ako tinitigilan sa pambubully ni elisa ..tulad kahapon may ginawa na naman siyang kalokohan sa akin nakakapanginit talaga siya ng dugo ...

Flash back

Katatapos lang naming magPE kaya papunta na ako sa may lockers room para kunin ang uniform ko ..

Kaso may humarang sa aking dadaanan kaya napatigil ako

"Anong kailangan ninyo" tanong ko kay elisa at sa dalawang kambal na kasama niya

"Ikaw ang kailangan namin" sabi nung kambal..nakakaasar talaga pagmumukha nilang tatlo ..

"Tsk" yun nalang sinabi ko dahil napapagod akong makipagtalo sa kanilang tatlo

"Girls alam nyo na ang gagawin " biglang imik ng kanilang leader na si elisa habang nakatayo at nakataas pa ang kilay ..

Nakipagtaasan din naman ako ng kilay sa kanya akala mo siya lang marunong ...

Napatigil naman ako sa pakikipagtaasan ng kilay kay elisa dahil biglang may itinapon na tubig sa akin ang dalawang kambal ..

"Opps kailangan mo na kasing maligo" nakangising sabi ng isang kambal

ang baho ng tubig amoy bulok na pagkain dun ko rin napansin ang mga tira tirang kanin na dumikit sa aking buhok...

Mukha tuloy akong basang sisiw ..

Tiningnan lang nila ako habang sila ay tawang tawa ..

"Ang baho naman" reklamo nilang tatlo ..

Natikom ko nalang nang mahigpit ang aking kamao dahil sa pagtitimpi ko sa tatlong ito ..

"Baka hininga nyo lang ang naaamoy nyo..alam nyo na bulok na bulok na ang mga ugali nyo kaya pati sa bunganga nyo lumalabas ang masangsang na amoy" paliwanag ko sa kanila sa mapangasar na boses ..

Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid namin ..dun ko na napansin na marami na palang nanunuod sa drama nitong tatlong ito ..

"How dare you baka nakakalimutan mo ikaw itong mabaho" galit na sabi saakin elisa nang nakaduro pa

"Oh really kaya lang naman ako bumaho kasi lumapit kayo sa akin.. at nahawaan nyo pa ako ng nakakasulasok na baho nyo"

This time lalong lumakas ang hiyawan at tawanan ng mga nanunuod s amin...

akala niya siguro papatalo ako sa kanya siya ang nagsimula nito tatapusin ko ..

"At isa pa maaari bang umalis kayo sa dadaanan ko ..excuse me" maarte kong sabi sa kanilang tatlo ..sabay daan sa kanilang harapan ..

"Hindi pa tayo tapos Lopez humanda ka" sigaw sa akin ni elisa kahit na hindi ko tingnan ang kanyang mukha alam kong umuusok na ang kanyang ilong sa galit ..napapatawa na lang ako sa aking mga naiisip ..

Naglakad na ako ng mabilis dahil kahit ako hindi ko kaya ang amoy ng katawan ko ..nakakasuka...
Dumeretso na agad ako sa locker room at kinuha na agad ang mga damit ko ..

At tsaka nagtungo sa Cr nagdali dali akong nagbuhos ng tubig sa aking katawan para mawala ang amoy sa balat ko ...

Ng matapos ako kukunin ko na sana ang mga damit ko na ipinatong ko kanina sa may hand wash area pero wala wala akong makita ..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon