chapter 29

545 22 1
                                    

Jade's Pov

Tatlong gabi na ang nakakalipas...at tatlong gabi narin ako inaasar ng apat na ito sa pamamahay ko ...

Kung hindi nagpapabebe ang babaeng nasa harapan ko na walang iba kundi si elisa ...ay mas madalas niyang landiin at magpapansin kay  christ o kaya naman sila mark at andrei kapag hindi siya pinapansin ni christ ...

ohh diba sino ba naman ang hindi maiinis sa malanding babaeng ito..

At sila mark at andrei wala rin sawang pagtripan ako ..kesyo daw nagseselos ako sa dalawa kaya palaging mainit ang ulo ko ...

Hindi ba nila alam na dahil lang naman yun sa kanilang apat ...

Andito kami ngayon sa harapan ng hapagkainan ..

.naghahapunan ...

"Ansarap po tita"
Sabi ni mark habang ngumunguya ng adobo na luto ni mama..

"Nagpapalakas ka lang kay tita eh"
Pangaasar ni andrei ...

See tatlong gabi na nila ginugulo ang tahimik kong bahay ..

"Salamat at nagustuhan ninyo ang niluto ko... Mabait ba sa school ang anak kong si jade"
Tanong ni mama sa kanila..

Napatingin naman ako sa apat ...tinitigan ko sila ng masama..

umayos kayo ng sagot kung hindi itutusok  ko sa inyo ang hawak kong tinidor...

"Ahh eehh opo tita NAPAKABAIT po ng anak ninyo"

Talagang pinagdiinan ang salitang napakabait eh ...

"Opo tita sa sobrang bait niya nakasama po namin siya sa Guippppstsvsb"

Agad ko ng tinakpan ang bibig ni andrei angdaldal ...

Alam ko ang sasabihin niya ...hindi matutuwa si mama kung malalaman niya na naguidance ako ...

"Ahh wag ninyo po siyang pansinin ma"

Nakangiti kong sabi kay mama...

Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong pa ..

tiningnan ko naman ng masama ang dalawa...

Tapos si christ nakakaasar halatang nageenjoy sa panunuod sa amin ...

"Matanong kita iha nagkita na ba tayo noon"

Baling ni mama kay elisa na kasalukuyang sarap na sarap sa kinakain niyang manok  ...

Mahirinan sana...

"Ewan ko po eh pero pamilyar din po ang mukha ninyo sa akin tita"

Sagot niya mabuti naman at may kaunti pa itong paggalang kung hindi naku makakatikim talaga siya sa akin...

"Ano nga ba ang family name mo iha"

Tanong ulit ni mama ..

"Cole po tita"
Nakangiti niyang sagot kay mama

Halata namang nagisip si mama dahil may patango tango pa siya...

Mabuti naman at hindi na nagtanong pa si mama tungkol sa mga kasama ko...

Pagkatapos naming kumain umakyat na ulit kami sa taas ...

Kahit papaano marami rami naring costume ang nagagawa namin ...

Kahit sa loob ng tatlong gabing pamamalagi nilang apat sa bahay may nagagagawa naman kami ...

"Ang sarap talaga magluto ng nanay mo jade"

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon