chapter 18

613 22 0
                                    

Jade's Pov

Dahan dahan akong lumapit sa kanya maayos na ulit ang kanyang mukha hindi katulad nung huli ko siyang makita na sobrang nakakatakot ngayon para lang siyang hindi nasinagan ng araw sa sobrang puti ...anyway multo nga pala siyang hindi matahimik..

"Ano ba ang kailangan mo sa akin" bungad kong tanong sa kanya kahit na medyo natatakot nilakasan ko na rin ang aking loob para matapos na ang pagpaparamdam niya sa akin gabi gabi..

"Kailangan ko ang tulong mo" pagmamakaawa sa akin ng multong ito ..

"Ano ba yun" sagot ko sa kanya

"Kapag ba sinabi ko sayo papayag kana ??" Tanong niya sa akin ..ngayon lang ako nakakita ng multong matalino

"Sabihin mo muna para malaman ko " sabi ko sa kanya mahirap na kasi umuoo agad... gayong hindi ko pa alam... baka mamaya drug pusher pala itong multong kausap ko kaht wala sa itsura ..hay naku ano ba itong iniisip ko

"Gusto kong malaman kung anong nangyari sa akin " malungkot niyang sabi sa akin

"Anong ibig mong sabihin ..hindi kita maintindihan" taka kong tanong sa kanya

"Hindi ko kasi maalala kung anong nagyari sa akin ..kung sino ang may gawa nito sa akin.." naramdaman ko naman ang lungkot sa kanyang boses..

"ngayon ko lang nalaman na pati pala ang multo ay may amnesia rin ..." sabi ko...pero mahina lang

"Basta pagdilat ng aking mata sa lugar na ito wala akong maalala" pilit na ngiti niyang sabi sa akin ..

"Kaya sana tulungan mo ako ..alam kong may papatayin pa siya at marami pa ang mapapahamak" dagdag niya pa .naguluhan naman ako sa kanyang sinabi

"Akala ko ba wala kang maalala" taka kong tanong sa kanya..

"Wala nga pero may naririnig akong boses sa aking isipan paulit ulit at sobrang nakakatakot pakinggan... isa siyang demonyo" ewan ko ba dito sa multong ito matatakutin din ..

"Payag ka na ba ..tulungan mo akong maalala lahat para wala ng mapahamak" ulit niyang sabi sa akin

"Pero bakit ako" tanong ko sa kanya

"Dahil noong una kitang nakita ramdam ko na ikaw ang makakatulong sa akin" malungkot na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin ..

"Pumapayag na ako" kusa na lang lumabas ang mga salitang yan sa bibig ko ..may nagsasabi kasi sa utak ko na dapat ko siyang tulungan ..

"Pero bago yun kailangan ko munang magreview para sa darating na exam kaya huwag mo muna akong guluhin kapag sumasama ka sa akin ..maliwanag ba"  paliwanag ko sa kanya kasi kailangan ko munang tapusin ang deal ko kay elisa ...

"Salamat" nakangiti niyang sabi sa akin

"Huwag ka munang magpasalamat hanggat hindi ko pa nagagawa at natatapos " paliwanag kong sabi sa kanya ..

"Salamat parin" sabi niya pa..makulit din itong multong ito eh noh...

"Alis na ako" paalam ko sa kanya ..

Nakita ko naman na unti unti siyang naglaho ..naglakad narin ako papuntang room ..iba talaga kapag ako na ang papasok lagi silang nakatingin sa akin ..naupo na agad ako sa upuan ko ng may kumulbit sa akin

"Saan ka galing" tanong ni mark sa akin habang nakalabas ang pangmodel niyang mga ngipin

"At bakit ..paki mo ba" irap kong sabi sa kanya

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon