chapter 33

606 22 5
                                    

Jade's Pov

Hindi ko inaasahang ganito ito kapagod...

Tatlong oras na kami dito mula nang binuksan ang resto cafe namin..

Andami na agad costumer ...mga ibat ibang school ang nakikita ko...

"150 pesos sir  at ito po ang number ninyo wait nalang po kayo ng inorder ninyo dadalhin nalang po namin sa inyong table thank you po" magalang kong sabi dito sa lalaking nagbabayad ng inorder niya ..

Naassign ako sa may cashier kaya sobrang nakakapagod sa utak ...

Nagdagdag na  kami ng limang table dahil narin sa sobrang daming costumer meron pa ngang pumipila talaga makabili lang ...
As if yun talaga ang pakay nila dahil kung ako ang tatanungin gusto lang nila makita ang mga legs ng mga kaklase kong babae dahil sa suot nilang costume na above the knee..

Napapailing na lang ako sa mga iniisip ko ...

Kanina ko pa hindi nakikita si christ nasaan na ba yung mokong na yun...

"Ganda mo naman bess"

Naramdaman ko naman na umiinit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni gem ..

"Ayy grabe haba ng pila "

"Oonga ang init pa salabas"
Nakanguso nilang reklamo ni trisha..

"250 pesos lahat akina bayad ninyo"
Singil ko sa kanila

"Ay sungit ..."sabi ni gem habang inaabot ang bayad sa akin ..

As if naman na ako talaga ang pinunta nila dito kahit na ang totoo gusto lang nila makita ang mga crushes nila...

Nakita ko naman na umupo sila sa may bakanteng table ...

Nakakapagod din pala ito ...12pm na hindi pa ako nakakapaglunch hinihintay ko si elisa dahil siya naman ang kapalit ko ngayon..

nasaan na ba ang bruhang yun...

"Hindi naman ito ang inorder ko ah sabi ko Red berry Tart hindi mille tart"

"Sorry sir papalitan ko nalang po"

Napatigil ako sa ginagawa ko ng makita ko ang isang costumer na sinisigawan ang kaklase kong babae kung hindi ako nagkakamali siya rin yung babaeng nabuhusan ng powderchalk na dapat ay ako....

"Sorry po talaga sir"
Mangiyak ngiyak niyang sabi dun sa lalaki ...

"Nasaan ba ang manager mo"sigaw nung costumer namin ...

Loko ba siya maghanap ba naman ng manager samantalang booth lang to..

Napansin ko rin na pinagtitinginan na siya ng ibang costumer ...

Kaya wala na akong nagawa kaya lumapit dun sa lalaking sumisigaw....

"Sir ano po bang problema"
Tanong ko dun sa lalaki ...

Napagtanto ko rin na malaki ang kanyang pangangatawan at galing siya sa ibang school...

Tiningnan naman niya ako sa mukha ..hanggang sa legs ko tapos tumigil siya sa pagtitig sa aking boobs..

Nakita ko rin ang pagngisi niya ...

Bastos...

"Tatanga tanga kasi yang kasama mo ..mali mali ang binibigay sa aking pagkain" reklamo niyang sabi saakin habang dinuro duro pa ako...

Nakakapanginit ng ulo ang lalaking ito . ...

"Sir pasensya na po ..papalitan nalang po namin yung pagkain"

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon