chapter 46

374 9 3
                                    

Jade's Pov

"youre 900 seconds late"

mga salitang unang bumungad sakin ng binuksan ko ang pinto ng rooftop..

habang bored niya akong tinitingnan..

"sorry naman... ohh" hinihingal kong sabi habang inaabot ang pagkaing ginawa ko para sa kanya ..

agad naman niya itong kinuha ..

pinagmamasdan ko lang siyang kumain ..

"why" nakasimangot niyang tanong

"para ka kasing hindi nakakain ng ilang araw eh" natatawa kong sabi...

"ang alat " reklamo niya habang nginunguya ang ginawa kong omellet ..

maalat daw pero malapit niya ng maubos..

"itong fried rice lasang sunog" reklamo na naman niya

inirapan ko nalang siya at naupo sa tabi niya ...

hindi man lang nangaalok dahhh hindi parin ako kumakain nohh...

kumuha ako ng isang egg sandwich na nasa tabi niya nagugutom na ako ..

"aray, bakit ka nanghahampas" reklamo ko hinampas niya kasi kamay ko..

"akin ang lahat ng ito, bumili ka" sabi niya

"ang damot mo ako nagluto niyan eh" mangiyak ngiyak kong sabi habang hinahawakan yung kamay ko na hinampas niya..

sana tumalab ang paawa epek ko..

"tsk.. bumili ka" ulit niyang sabi at nagpatuloy sa paglamon..

"damot" bulong ko

tumayo nalang ako sa pwesto ko at bibili nalang ng sarili kong pagkain hiyang hiya naman kasi ako sa kasama ko sobrang MAPAGBIGAY..

paalis na ako sa pwesto ko ng hinawakan niya dulo ng blouse ko habang nasa kanyang bibig naman ang isang egg sandwich .. ..

wahh ang cute..

"bakit" tanong ko habang nakataas pa ang isa kong kilay..

"dont leave me" bulong niya habang nakatingin sa ibang dereksyon ..

"anong sinasabi mo" hindi ko kasi maintindihan may subo subo pa kasing pagkain sa bibig

nagulat ako ng tumayo siya at isinubo sakin yung egg sandwich na kanina kinakain niya...

"i said dont leave me, dito ka lang sa tabi ko... samahan mo ako ..understand" seryoso niyang tingin sakin .

ako eto hindi makatingin ng deretso sa kanya ..ang lakas ng tibok ng puso ko ..

hindi parin nagfufunction sa utak ko yung mga sinabi niya...

"hoy noisy girl," irita niyang tanong sakin..

"ano " yun lang lumabas sa bibig ko

"anong sagot mo sa tanong ko" inis niyang sabi sakin habang hawak ng kanyang dalawang kamay ang aking balikat

"an- ano ba dapat isasagot ko" nauutal kong tanong

wahh hindi ko talaga alam ...ang bilis bilis ng hearbeat ko aatakihin na ata ako sa puso

"kailangan paulit ulit...bahala ka nga" inis niyang sabi sakin habang padabog na bumalik sa pwesto niya kanina at kinain ulit yung mga pagkain.

ang bilis naman nito mainip hindi makapaghintay

pero ang cute ng pagiging childish side niya..

"oo na christ..." sagot ko sa kanya hindi naman niya ako pinansin pero nakita ko yung tinatago niyang ngiti sa labi ..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon