chapter 23

597 23 4
                                    

Jades Pov

Hindi parin nagsisink in sa utak ko na rank 11 lang ako ..tuluyan na akong napaupo dahil sa panglulumo hindi ko narin pansin ang mga estudyanteng nagsisigawan sa tuwa dahil nakapasa sila ...

Ginawa ko ang lahat bakit ganun ..nagkamali ba ako...may nagawa ba akong mali..pero sinugurado kong tama lahat ng sagot ko bakit ganun ...

"Bes ok ka lang" tanong sa akin ni gem

Tiningnan ko lang siya ...

Nakuha naman niya at napatingin din siya sa rank list ng section ko ..

Halata din ang pagkagulat s kanyang mukha na parang d makapaniwala

"Alam kong si elisa ang may pakana nito" sabi sa akin gem

"Tama ka may ginawa talaga ang bruhang yun sinabotahe niya ang result ng exam ni jade "sabat naman ni trisha

Hindi ko nalng sila pinansin...at tumungo na lang

Hindi ko parin matanggap yung result ...pero ito talaga wala na akong magagawa pa ..

Tumayo na ako at pinagpagan ang dumi sa palda ko ..

"Saan ka pupunta loser" rinig kong sabi ng isang maarteng boses ..

Alam ko n naman kong kanino galing yun

"Hoy elisa alam kong ikaw ang may kagagawan nito ano ang ginawa mo huh" durong sabi ni Gem kay elisa

"Aba aba ang tapang mo ngayon ahhh..kung sa bagay ganun naman talaga ang mga losers" pagkasabi niyang yun bigla siyang tumingin sa aking mula ulo hanggang paa ko..at ngumiti pa ng nakakaloko ..

Naiinis ako pero bakit ganun parang naubusan ako ng lakas..kaya hindi ako makapagsalita

"Aminin mo na kasi elisa ikaw may kasalanan nito"sabat naman ni trisha

"Oh oh ano ba sinasabi mo hah nerd"

"Maglinis ka nga ng tainga mo nang marinig mo.."

"Alam naming sinabotahe mo ang exam result ni jade huwag ka ng tumanggi pa"

Bakit ang tapang nilang dalawa ngayon at ako eto nanunuod lang sa pagtatanggol nila sa akin ..

"At paanong naging ako may ebidensya ba kayo na ako nga ang may gawa niyan" paliwanag ni elisa

"Malakas ang pakiramdam ko na ikaw ang may gawa nito ..hayop ka" sigaw ni gem na akmang susugurin si elisa mabuti nalang at nahawakan siya ni trisha ..

Marami nanaman ang mga nanunuod ...gusto ko ng lumubog sa kahihiyan ganun ba talaga ang nagiging resulta kapag masyado kang confident sa sarili ...

"May pakiramdam ka pala pero sorry ka nalang dahil wala kang ebidensya " sabi ni elisa

"Nagtitimpi lang ako sayong babae ka hah" sigaw ni gem talagang binitawan na siya ni trisha na halatang naubos narin ang pasensya

"Gem tama na ..wala eh ganun talaga" awat ko kay gem ..

Halatang nadismaya naman si gem sa sinabi ko ..wala akong magagawa naubos ang confident ko sa sarili ko masyado akong talunan ngayon bumalik na naman ang dating ako na mahina...

"Mabuti naman at alam mo kung saan ka lulugar Lopez sa susunod kasi huwag kang masyadong bida bida yan tuloy na pa pala ng kagaya mo " nakangising sabi sa akin ni elisa

"Para kalang ibon na walang pakpak na nangangarap lumipad" dugsong niya pa..

Umalis nalang ako sa kanyang harapan at tumakbo ng mabilis kasabay nun ang pagpatak ng aking luha ..

Bakit bakit ang liit ng tingin ko sa sarili kobngayon..

Napatigil ako sa pagtakbo nang nakaramdam ako ng pagod ..

Namalayan ko nalang na nasa likod na pala ako ng building ng school namin may nakita naman ako sementong upuan kaya umupo nalang ako at  sinubsub ko sa aking mukha ang dalawa kong palad at umiyak ng umiyak

Ang hirap talaga kapag talunan ..ginawa ko naman ang lahat pero kulang pa pala ...

Dapat hindi ako masyadong nagtiwala sa sarili ko

Ang tanga tanga ko talaga kaya palagi akong napapahamak eh..

Ayaw ko munang magpakita kahit sa sino man gusto ko munang makapagisa ...

Isang oras na siguro akong umiiyak at pansin ko rin na wala ng tumutulong luha sa aking mata ..

Mabuti naman at medyo gumaan na ang bigat na nararamdaman ko kanina...

Mabuti naman at alam mo kung saan ka lulugar Lopez sa susunod kasi huwag kang masyadong bida bida yan tuloy napapala ng kagaya mo "

"Para kalang ibon na walang pakpak na nangangarap lumipad"

Yan na naman ang mga salitang paulit ulit sumisiksik sa utak ko ...

Tuluyan na naman umagos ang luha ko ...kala ko tapos na bakit meron parin ..

Paulit ulit ko itong pinapahid pero wala talaga patuloy lang ulit itong umaagos..

"Still crying" sabi ng isang pamilyar na boses

"Christ" sabi ko sa paos kong boses

"Tsk tsk tsk walang mangyayari kong iiyak ka lang dyan" sabi niya sa akin

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin ..

Yung puso ko parang lalabas na sa sobrang bilis..matagal din niya akong yakap yakap ng bumitaw na siya

"Kanina umiiyak ka tapos ngayon Tulala ka naman" nakangisi niyang sabi sa akin ...

Tsaka lang ako nagising sa pagdedaydream ko panira talga ng moment ito ..

"Your like an idiot"

I rolled my eyes what..ako idiot.. baka siya ..

"Huwag kang umiyak sa isang problema lang ..dahil si problema ay palaging kasama si solusyon"

Natulala naman ako sa sinabi ni christ..

"Pero- Aray" napahawak ako sa noo ko..bigla bigla kasing mamimitik sakit kaya..

"No buts ..just go with the flow" pokerface niyang sabi sa akin masyado ata itong mabait ngayon ..ahh dapat sulitin ko na

"Pwedeng payakap ulit" natuptop ko naman ang bibig ko dahil sa salitang nasabi ko ...

Ngumiti naman siya ng nakakaloko at niyakap ulit ako ...

Sana palagi na lang siyang mabait para makayakap ulit ..
Basta lalong gumaan ang pakiramdam ko tapos naaamoy ko pa ang pabango nya hmmmm ang bango heaven ...

Sinaway ko naman ang marumi kong utak masyado na akong malandi ...

Tama siya lahat ng problema may sulosyon ..kailangan ko lang ang lumaban at sumabay sa agos walang mangyayari kong iiyak lang ako...

"Masyado ka nang napapasarap"

" kapal mo" sabi ko ramdam ko naman na nagiinit ang aking magkabilang pisngi...

"Tara na" aya ko sa kanya ..

Pansin ko naman na nauna na siyang naglakad kesa sa akin ..tingnan mo ito ako nag-aya iniwan lang ako ...

Kailangan ko lang ang lumaban....

Itutuloy :))

Yahoooo nakadalawang chapter ako ngayong araw na ito..

Once again maraming thankyou sa inyo...

Comment kayo ng mga reaksyon nyo sa storyang ito para ganahan ako =D

Sorry din sa mga pagkakamali=D

Ciao...

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon