Chapter 58

68 2 0
                                    

Jade's Pov

Isang umaalingasaw na amoy ang sumalubong sa amin at mga ibat ibang uri ng hayop na gawa sa rebolto na may nakasinding kandila ang nakapalibot sa loob ng kwarto na pinasok namin

sa gitna naman nito ay isang malaking bilog na may bituin sa gitna

Ito ang naging dahilan sa lalong pagbilis ng tibok ng puso ko

"Jade nata-takot ako" bulong niya sakin

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya

"ako bahala makakalabas tayo dito" sagot ko

"pwede ba tigilan mo na ito therese wala naman kaming kasalanan sayo" sigaw ko habang nakaharap sa babaeng nakangisi at matiwasay na nakatingin sa amin

At habang nasa kanyang likuran ang malaking CcTv screen kung saan pinapanood niya ang bawat galaw namin kanina

"congrats guys" nakangiti niyang sagot

"sabi ko na nga ba malaking tulong si jade sa atin eh" sabi niya habang kinakausap ang kanyang sarili

"anong ibig mong sabihin" tanong ko

"napadali ang pagpatay kay Elisa isa sa mga magiging alay" masaya naman niyang sagot

"anong alay" tanong ni Gem

" oh my hell nagsasalita na si Gem" ibang boses naman na nanggagaling kay therese

"huwag na natin patagalin ito Jacob talian mo na silang dalawa" sigaw niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Gem

Napatingin ako sa aking likuran doon ko nakita ang isang pamilyar na lalaki na kahit sa panaginip ayaw kong makita

"ja-jacob" takot ko sambit

"hello babe ngayon magiging akin ka" nakangiti niyang bulong sa akin

Hindi ako nakakilos agad

dahil sa hawak niya si Gem sa leeg habang may nakatutok na patalim

"maupo kayo sa loob ng bilog" utos ni Therese sa amin

Sa loob ng bilog may limang upuan

Sapilitan kaming umupo ni gem sa mga bakanteng upuan at itinali ni jacob ang aming mga kamay

"ang ibang kailangan ilagay mo narin" utos ni therese kay Jacob

"huwag mo ako utusan alam ko ang ginagawa ko" inis na sagot ni jacob

Pinapanood ko lamang silang dalawa mabilis na umalis si jacob at pagbalik niya may mga katawan siyang dala...

una ang mga katawan na sunog at sumunod ay ang katawan ni elisa na basang basa na wala ng buhay

At  ang lalong nakapagpakaba sa akin si mark na walang malay at si Dianne na tahimik habang tulala na nakatitig sa kawalan

Tuluyan na akong humagulgol sa takot... sa takot na pwedeng mangyari sa mga kaibigan ko

"Jade" nagmamakaawang hikbi ni Gem sa akin na ngayon ay umiiyak na rin

"tahimik" sigaw ni therese habang nanlilisik ang mga mata

"jacob ikaw na ang bahala sa mga taong nagtatangkang pumasok...bwisit bwisit" sigaw niya habang inuutusan si jacob

Doon ko napansin na may mga taong pumapasok sa loob ng mga pinanggalingan namin

"dalhin mo sila lahat sa akin para maisama sa magiging alay" utos niya pa

"masusunod" sagot naman ni jacob

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon