chapter 39

747 26 13
                                    

Jade's Pov

Nakasunod lang ako kay christ habang naglalakad sa may pasilyo ng hospital...

Sobrang tahimik...

Tanging mga tunog lamang ng aming sapatos ang aking naririnig...

Minsan pay may nakakasalubong akong naglalakad na kaluluwa ...

Pero hindi ko na yun binigyan pansin pa...

Tumigil kami sa isang harap ng pinto....

Yung kaba na kanina ko pa nararamdaman lalong tumindi..

Ano ba nangyari kay gem at mark...

Kumatok muna si christ sa may pinto...

Dahan dahan naman itong bumukas..

Bumungad naman sa amin ang isang babae ...

Tiningnan niya muna kami mula ulo hanggang paa...

Medyo nailang pa ako sa ginawa niya...

Pero binuksan naman niya agad ng malawak ang pinto...
"Kayo ba ang mga kaibigan ng anak ko"sabi nung babae halata rin ang namumugto niyang mga mata...

Siya pala ang nanay ni gem..kaya pala magkamukha sila..

"Opo ako po si jade tapos siya naman po si christ"pagpapakilala ko..

"Ahhh sige pasok kayo"

Ganun nalang ang aking pagkagulat ng makita ko si gem na walang malay na nakahiga sa kama...

Napatakip ako ng aking bibig dahil hindi ko mapigilan ang aking paghikbi..

Nakabenda ang kanyang ulo...puno ng pasa ang kanyang braso ...may mga sugat din siya sa mukha na parang hiniwa...

Nilapitan ko siya sa kanyang pagkakahiga at buong ingat kong hinawakan ang kanyang kamay...

Dun ko rin napansin na walang kuko ang kanyang mga daliri...

"Sino may g-gawa sa-sayo nito" naiiyak kong tanong sa walang malay na si gem ....

Sobrang hirap ng kanyang pinagdaanan sa kamay ng demonyong gumawa nito sa kanya...

"Kahapon lang masaya pa tayo ..kausap pa kita sa phone ..bakit ganito na" umiiyak kong sabi sa kanya...

Naramdaman ko naman ang paghawak sa balikat ko ni christ....

Tapos ang mama naman ni gem ay tahimik na humahagulgol sa aming likuran...

Anong naging kasalanan mo sa kanila para pahirapan ka ng ganito...

Yan lang ang mga katanungang nasa isip ko ngayon...

Mahigit isang oras rin akong nakatayo sa harap ng  walang malay na si gem...

Tumigil narin ako sa pagiyak dahil wala rin naman itong maiitulong pa...

"Tita alis na po kami" paalam ni christ dun sa mama ni gem..

"Sige ..salamat magingat kayo" sabi naman nung mama ni gem..

Tanging ngiti at pagtango lang ang nagawa ko hanggang sa ihatid niya kami sa may labas ng pinto....

"Tara kay mark" aya sa akin ni christ...

Ibig sabihin si mark din...

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking room at may malaking salamin...

Kitang kita ko si mark na walang malay na nakahiga sa isang kama ...

Andami ring nakakabit sa kanyang apparatu ..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon