chapter 49

364 18 8
                                    

Jade's Pov

"ma maniwala ka po hindi ako yun"
pagmamakaawa kung sabi sa kanya

pagkadating na pagkadating namin sa bahay magasawang sampal agad ang bumungad sakin ..

"umamin kana jade kung hindi ikaw yun sino sino kitang kita naman na mukha mo yun" galit na galit niyang sabi sakin

"ma maniwala ka naman po pati ba naman ikaw" umiiyak king sabi sa kanya hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagmamakaawa kay mama na paniwalaan ako ..

parehas kaming nagiiyakan sa sala dahil sa video na yun

"pinalaki kitang may takot sa Diyos pinalaki kitang may pagmamahal sa sarili binigay ko ang lahat sayo jade bakit ganito ang ginawa mo" umiiyak niyang sabi sakin

"pinalaki kitang maayos bakit ganito anak nagkamali ba ako" nanghihina niyang sabi sakin

walang tigil ang pagiyak naming dalawa ..

"ma hindi po talaga ako yun pangako po pinalaki ninyo akong maayos ma naman"

akma akong yayakap  sa kanya nang tabigin niya ang mga kamay ko at umalis siya sa harapan ko at mabilis siyang nagtungo sa kwarto

napaluhod nalang ako dahil sa panghihina ng tuhod ko
sobrang sakit ng hindi ka paniwalaan ng mga taong mahal mo ayos lang sakin kung hindi ako paniwalaan nila christ ni trisha pero ang nanay ko na nagiisang taong palaging nakasuporta sakin taong mahal na mahal ko hindi ako kayang paniwalaan bakit ..

maghapon lang akong nakakulong loob ng kwarto hindi ko alam ang gagawin ko

tumigil narin ako sa pagiyak siguro nagsawa na lumabas ang mga luha ko

nakakaramdam narin ako ng uhaw at gutom kaya wala akong nagawa kayat lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina.

naabutan ko si mama na kumakain ng hapunan...kumuha na ako ng plato at umupo katabi ni mama para sumabay sa pagkain ...

nang magsimula na akong kumain biglang tumayo si mama at kinuha ang kanyang plato at nilagay na sa lababo alam kong hindi pa siya tapos kumain lalo na't  may pagkain pa siya sa plato hindi niya ugaling magtapon ng pagkain ...

pinigilan ko nalang ang luha ko hanggang siyay umalis..

walang salita man lang akong narinig sa kanya hindi niya man lang tinanong kung ayos lang ako na palagi niyang ginagawa sakin noon..

nagsimula na lang akong sumubo at pilit ko nilulunok ang mga pagkain ko ..

sobrang tahimik ng buong paligid sobrang nakakalungkot munting paghagulgol ko lamang ang aking naririnig...

mabilis ko na lamang tinapos ang aking pagkain kahit na wala na akong gana pa kailangan kong magpakatatag kailangan kong paniwalain silang lahat na hindi ako yun na wala akong ginawang masama...

Nagising ako ng maaga at mabilis na naligo at nagbihis kahit na mugtong mugto ang aking mga mata dahil sa magdamag na pagiyak...

Pipilitin ko silang lahat na paniwalaan ako bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang aking uniform

pagkababang pagkababa ko nagtungo agad ako sa kusina gaya ng nakaugalian ..ngunit nadismaya lamang ako ng wala man lang iniwan na pagkain si mama sa lamesa o kahit na sticky notes  na palagi niyang ginagawa...

"aalis na po ako" paalam ko kahit na wala namang nakakarinig

sobrang bigat ng dibdib ko ng lumabas ako ng bahay..

maspinili ko nalamang sumakay ng tricycle pakiramdam ko hinang hina ako at walang lakas para maglakad

inabot ko na ang aking bayad pagkababang pagkababa ko..

pagpasok ko bumungad lamang sakin ang mga mata nilang mapanghusga mga sari saring bulungan ang aking naririnig imbis na bigyang pansin pa ito mabilis akong tumakbo papunta ng room..

"she's here" malakas na sigaw ng kaklase ko habang pumapasok ako ng classroom namin

yumuko nalamang ang tangi kong nagawa

nakita ko naman si christ na hindi manlang ako binigyan ng kahit isang sulyap ...

umupo nalamang ako sa aking pwesto at hindi sila pinansin

natapos ang klase na ako palagi ang topic ng mga kaklase ko

agad akong lumabas sa may room at pumunta sa may malaking puno ng narra at naupo ..

"bakit nandito ka pa" rinig kong boses galing sa aking likuran

"sana hindi ka nalang bumalik" sunod niya pang sabi

agad ko siyang hinarap mga mata niyang hindi makatingin sakin ...

gusto ko siyang yakapin i really need him pero paano kung siya mismo nilalayo ako mula sa kanya

"gagawin ko ang lahat para paniwalaan ninyo ako" sabi ko sa kanya

"lets end this" malamig niyang sabi

halos hindi ako makagalaw sa sinabi niya ayos lang na magalit siya sakin ayos lang na titigan niya ako ng mga mata niyang malamig pero ang iwan ako ang tapusin ang relasyon namin ng dahil lang dito ang hindi ko kakayanin

"christ" tawag ko sa kanyang pangalan

"ayaw na kitang makita pa umalis kana" sobrang sakit parang tinutusok ng libo linobg karayom ang puso ko sa bawat salitang naririnig ko mula sa kanya

"hayaan mo naman akong patunayan sa inyo na inosente ako na wala akong alam" umiiyak kong sabi sa kanya

"tapos na tayo ayaw ko na" bagot niyang sabi sakin at tumalikod siya sakin at mabilis naglakad papalayo

akala ko siya yung taong masasandalan ko sa mga oras na ganito na bagsak na bagsak ako akala ko papaniwalaan nila ako akala ko lang pala ang lahat

"minahal mo ba ako christ" bulong ko ...

Pagkatapos kong mahimasmasan dumeretso agad ako sa may
cr upang maghilamos at nang matapos pumunta na ako ng room

pagkarating na pagkarating ko sa aking upuan halos mapuno ng kung ano anong sulat ang armchair ko like "bitch mamatay kana san" "slut" at kung ano ano pa pinutol din  ang mga paa ng upuan ko at napuno din ng mga basura ang pwesto ko yung bag ko napuno din ng mga punit punit na papel ...

"sinong gumawa nito" tanong ko

nagtinginan lang sila lahat sakin at yung iba naman ay nagbubulungat at tumatawa ..

"basura ka naman talaga kaya bagay lang sayo yan" sagot ng isa kong kaklase agad naman silang nagtawanan

kinuha ko agad ang mga gamit ko kahit na puro basura

tumakbo ako palabas ng school wala naman akong magawa nagtangka rin naman ako magsumbong sa adviser namin ngunit wala lang siyang sinabi at tiningnan lang ako ng masama

wala akong kakampi pinatutulungan nila ako ...

sobrang sakit ...

wala akong maisip na mapuntahan isa lang alam ko...

dahan dahan kong binuksan ang kwarto kung saan nakahiga si Gem na mahimbing na natutulog naghihilom narin ang kanyang nga sugat at pasa sa katawan agad kong hinawakan ang kanyang kamay at dun umiyak ng umiyak

"gem bes ikaw papaniwalaan mo ba ako? bes andaming nangyari sakin ng wala ka bes namimiss na kita gumising kana diyan ang daya mo naman hindi mo ako masamahan sa mga problema ko" pabiro kong sabi sa kanya habang umiiyak ..

kahit alam kong hindi siya sasagot sakin atleast medyo gumaan ang pakiramdam ko ...

"ja-jade bes" bigla akong napalingon dahil sa tumawag ng pangalan ko

"Gem gising kana"

----itutuloy----

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon