chapter 53

126 2 0
                                    


Elisa's POV

Almost one week ng muli kong makita ang pagmumukha ng babaeng yan

What happened to my plan

Nanggigil kong titig sa malaking salamin sa aking napakagandang kwarto habang nagsusuklay ng aking buhok

Jade paano kita mapapatalsik halos isang linggo mo ng pinapainit ang ulo ko

Bigla kasing pumasok ang bruha at ang masnakakagigil pa ang makitang magkasama sila ni christ

"why akin lang siya akin lang" sigaw ko

Kailangan kong makagawa ng paraan para mapatalsik at kamuhian na siya ni christ, so i dialed my phone at isang tao lang naman ang pwede kong utusan para sa mga ganito

"jeff" tawag ko matapos niyang sagutin ang tawag ko

"yes babe" nakakadiri niyang sagot

"gawin mo ang lahat para mapaalis si jade, that bitch" sigaw ko sa kanya

"ohhh alam mo naman kapag ako ang gumawa kailang--"

"yeah yeah iknow, my body is always ready" putol ko sa sinasabi niya kahit labag man sa loob ko kailangan kong mapaalis ang babaeng yan sa buhay namin ni christ

"okay babe your wish is my command" agad kong pinatay ang tawag dahil nandidiri lamang ako sa kanyang mga halakhak

Mabilis akong bumaba ng aking kotse matapos itong iparada ng driver ko at agad akong pumunta sa main office isang linggo narin nandito ang owner ng RedBlood Academy tutal close naman sila ni daddy why not na pakiusapan ni daddy ang aking hiling

Agad kong binuksan ang principal office hindi na ako kumatok dahil alam ko naman na nandito ang aking ama

Naabutan ko silang tumatawa kasama ang owner ng school habang nagkakape

"good morning uncle and daddy" bati ko sa kanila at humalik sa kanilang mga pisngi

"oh my unica iha, youre so beautiful" binibirong sabi ni daddy

"as always dad" irap kong sagot

"may kailangan ka" tanong sakin ni dad

"yes dad yung sinasabi ko sayo last night remember" sagot ko sa kanya napagusapan narin naman kasi namin ito ..

Mukhang nagisip pa si daddy bago tumango tango at bago tumingin kay uncle

"Im so sorry my beautiful daughter" sabay sulyap muli kay uncle

"pero dad bakit" inis kong tanong

"dahil hindi mo pwedeng kantiin ang pinsan mo" biglang sabat ni uncle

"what pinsan" naguguluhan kong tanong

Si jade pinsan ko no way

"dad explain how, its so impossible"hindi ko makapaniwalang bulong habang nakatingin kay dad ng nagtatanong

"yes she's your cousin and she is my daughter so kung ayaw mong magkagulo tayo huwag mo na ulit guguluhin pa ang kanyang buhay maliwanag" titig na sabi sa akin ni uncle

"aalis na ako" paalam niya kay dad

Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa makalabas siya ng pinto ng office

"dad" inis kong tawag

"ahmm kung ako sayo anak tumigil kana madaming lalaki diyan hayaan mo na ang anak ng uncle mo" sagot niya habang humihigop ng kape

"no hindi ako papayag paano nangyaring anak siya ni uncle hindi bat wala siyang asawa paano nangyari yun"

"simple lang nagkaanak siya sa babaeng gusto niya noong nagaaral siya" sagot ni dad

Napasabunot nalang ako sa buhok ko

At derederetsong lumabas sa office narinig ko pang tumawag si dad ngunit wala na akong pakialam pa

Masyado na akong late sa klase kaya maspinili ko na lamang na huwag ng pumasok

Dumeretso ako sa malaking puno dito sa RBA

Umupo sa mga ugat ng puno at kinuha ang isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito

Kapag sobrang stress ako naninigarilyo ako

Hindi pa ako nakakahithit ng isa ng may maramdaman akong kakaiba sa aking likod

Malakas na pagihip ng hangin ang tumatangay sa usok na mula sa aking sigarilyo

Tumingin ako sa aking likuran kung saan parang may bumubulong

Ngunit wala siguro guni guni ko lang

Nagpatuloy ako sa paghit hit ng sigarilyo ko hanggang sa may naaninag ako sa aking tagiliran na babaeng nakaputi

Nang lingunin ko ito dun nalamang lumakas ang tibok ng puso ko

"therese" sambit ko

Hindi ako makagalaw sa aking pagkakaupo ganun nalamang ang panginginig ng aking buong katawan ng makita siyang nakangisi habang papalapit sakin

Tuluyan ko narin nabitawan ang sigarilyo kong hawak

Akmang tatakbo na sana ako ng may naramdaman akong isang matigas na bagay ang humampas sa likuran ko dahilan kung bakit ako nawalan ng balanse sa aking pagkatayo

Mula sa pagkakabagsak dalawang pares na itim na sapatos lamang sa aking uluhan ang nakita ko hanggang sa nawalan na ako ng malay..


---itutuloy---
3/20/19

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon