chapter 56

218 2 0
                                    

Jade's POV

Isang madilim at napakatahimik na kwarto ang pinagdalhan sa akin ni trisha ng matapos ang eksena mula sa alipores ni elisa ...

Mahigit isang oras na ako sa loob ng kwartong ito at kahit na anong ingay wala akong marinig..

Hindi ko alam kung nasaan nga ba ako nagising nalamang ako sa loob ng madilim na lugar na ito matapos akong turukan ng pampatulog ni trisha

Naalarma ako ng bigla akong may marinig na yabag sa loob ng kwarto hindi ko alam kung saan pero napakaraming yabag sobrang dilim kayat hindi ko makita

Matapos ang labing lima kong pagbibilang nawala ang mga yabag..

Isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa aking mga mata pinikit pikit ko muna ito bago ako nakakita ng maayos kusa din natanggal ang pagkakalock ng mga kadena sa aking kamay at paa..

Nang ilibot ko ang aking paningin dun nalamang ang gulat ko ng makita si elisa na walang malay sa loob ng aquarium na walang tubig..

Agad akong tumakbo sa kanya at hinampas hampas ko ang malaking salamin para gisingin siya..

Dahan dahan naman siyang nagmulat nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na wala naman nangyaring masama sa kanya...

"nasaan ako bakit ako nandito" tanong niya sakin na may halong takot sa mukha

"huwag ka magalala ilalabas kita diyan" sagot ko

"ayaw ko pa mamatay" nagmamakaawa niya habang kinakalampag ang salamin ng aquarium

Isang nakakabinging tunog ang narinig namin sa loob ng kwartong ito

"hello girls, kumusta kayo" isang mahinhin na tinig ang narinig namin hindi ako nagkakamali kay trisha yun

"anong ginagawa mo palabasin mo kami dito" sigaw ko

"makakalabas naman talaga kayo diyan basta gawin ninyo ang laro ko, simple lang kailangan mo lamang sagutan ang nasa loob ng box" muli siyang tumawa

Agad kong inilibot ang aking paningin dun ko napansin ang isang table na may ibat ibang gamit at may isang malaking itim na box kung saan may butas sa gitna

"Oh by the way the time is running jade your friend is waiting"

Dun ko din nakita ang ang isang maliit na screen ng tv kung saan nakagapos at nakablindfold si gem

"si gem" bulong ko

"tigilan mo na ito trisha please tama na wala kanaman makukuha sa amin sa mga ginagawa mong ito" sigaw ko

"nahhh may makukuha ako makakapaghiganti ako sa mga taong nanakit sakin...anyway magsimula kana" galit niyang sabi

"jade jade may tubig" biglang sigaw ni elisa sa loob ng aquarium

Doon ko napagtanto na may lumalabas na tubig sa loob mismo ng aquarium

Nataranta ako habang ang tubig ay tumataas

"jade huwag kang tatanga diyan bilisan mo paalisin mo ako dito icant die here not now" sigaw niya sakin

Agad akong nagtungo sa malaking box na itim at dinukot kung ano man ang laman nito

Naramdaman kong may mga tumusok sakin kaya agad kong inilabas ang kamay ko napagtanto ko na maraming karayom ang nasa loob ng box ...

Shit masakit din matusok ng karayom

"jade faster" sigaw muli ni elisa na hanggang bewang na ang tubig

Kailangan ko siyang tulungan kaya kahit masakit agad kong pinasok muli ang kamay ko sa loob ng box napakaraming karayom ang tumutusok sa balat ko habang kinakalkal kung ano man ang nasa loob nito

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon