Jade's PovNaglalakad ako ngayon sa hallway ayaw ko nang bumalik sa canteen mahirap nang mapagtulungan
habang napapangiti, naalala ko ang ginawa ko sa babaeng yun masyado kasing bida bida akala naman niya hindi ko siya papatulan
"aray" napaupo ako bigla..
"Sorry miss" sabi sakin nung lalaking nakabangga sakin
"Ok lang" sagot ko
dahan dahan akong tumingala upang makita kung sino ang nakabangga sakin biglang nagtaasan ang mga balahibo ko...
dahil wala siyang ulo habang ang kanyang damit ay duguan
napaatras na lang ako sa pagkakaupo gusto kong tumakbo kasi natatakot ako pero bakit namanhid buong katawan ko hindi ako makagalaw
"Miss ok ka lang ba" bumalik ako sa huwisyo ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko .
wala na pala sa harapan ko ang lalaking nakabangga ko
"Miss hey " ulit pang sabi ng babae na nasa harapan ko na
"Huh o-oo ok lang ako" yun nalang nasabi ko habang maayos akong nakatayo ulit
nakahinga narin ako ng maluwag medyo nawala na ang pangangatog ng tuhod ko sa sobrang takot
"May ginawa ba sayo si jiro"
Jiro? pero bakit wala siyang ulo tanong ko sa isip ko
"Wala naman" ngumiti nalang ako ng pilit baka kasi mawierduhan na itong nasa harapan ko
"By the way im Gem lycka Alonzo can you be my friend"
.. actually ang ganda nya mahabat itim ang kanyang buhok matangos na ilong mapipilantik na pilik mata basta ang ganda niya tapos may pagkamorena din siya at sobrang kinis ng balat niya
"Sure ako nga pala si jade nice to meet you " yun na lang nasabi ko kung sa bagay gusto ko rin magkaroon ng makakausap
"Sabay na tayong pumunta ng room section b ako magkasunod lang tayo ng room..alam mo ba ang cool mo kanina noong binuhusan mo si elisa ikaw pa lang ang nakakagawa noon kaya sobrang proud ako sayo "
ang daldal niya at nakakatuwa pa
siya lang ata ang natuwa sa ginawa ko
"Haha hindi namn so paano ba yan mamaya nalng ulit bye " nasa tapat na kasi ako ng room ko kya nagpaalam na ako sa knya
"Bye din ingat ka sa section A" at naglakad na siya ..
Pumasok na ako sa loob nakatingin lahat sila saakin
isinawalang bahala ko na lang dumiretso na ako sa upuan ko saktong dating naman ng teacher namin sa Filipino nagdidiscussed lamang siya..
napansin ko naman na hanggang ngayon bakante parin ang katabing upuan ko at nakinig nalang ako kay sir ivan filipino teacher namin
Natapos na ang dalawang subject lumabas na agad ako at pumunta na sa canteen at umorder sakto naman na nakita ko si Gem na kumakaway kaya pumunta ako sa table niya ..
"Kumusta" bati niya agad sakin habang umuupo sa tabi niya ..
"Ayos naman bakit" takang tanong ko sa kanya ..
"Wala lang sige kain na tayo" nakangiti niyang sabi ang hilig niyang ngumiti
"Ano nga palang ibig mong sabihin na magingat ako sa section A"
BINABASA MO ANG
That Girl (Completed)
HorrorCuriosity is a key of some mystery Jade who escaped from the past and decided to begin a new life Different School, Different People, New friends and Even New Enemy