chapter 40

404 9 0
                                    

Jade's Pov

Tahimik na paligid..

Huni ng ibon...

Malakas na hanging tumatangay sa buhok ko...

malakas na alon sa buhanginan na tumatama sa paa ko...

Malalakas na tawanan ng mga kaklase ko..habang nagtatampisaw sa malamig at maalat na tubig ng dagat ...

At ako ito nakaupo ..

Hayssss

"Lalim ng iniisip ahh"

"Ay palaka"gulat kong sigaw ...

Aatakihin pa ata ako sa puso nito

"Papatayin mo ba ako sa gulat"

"Hindi naman"

"Lumayas ka nga sa harapan ko andrei" pagtataboy ko..

Nananahimik ako dito bigla bigla nalang susulpot ..

"Sarap mo talagang asarin" nakatawa naman niyang sabi sa akin..

Umupo naman siya sa tabi ko ...

"Ewan ko sayo"nakaismid kong sabi sa kanya..

"Sungit ..enjoy your life alam mo na baka bukas kunin ka na ni lord"nakangiti niyang sabi ..habang nagbabato ng mga shell na nakukuha niya sa pwesto namin...

"Nageemote ako dito kaya huwag mo akong guluhin"

"Gagaling din sila ..kaya huwag ka ng magaalala pa" mahinahon niyang sabi sa akin....

Medyo lumuwag ang pakiramdam ko ng marinig ko mula sa kanya ang mga salitang yun.

Sana lang talaga ...

"2 days left nalang ang natitira sa bakasyon natin kaya magpakasaya na tayo"

"Kung sabagay"

Tumayo ako at pinagpapagan ang buhanging nasa maong short ko ..

Katatapos lang namin magdinner at sobrang nabusog ako ..

namimiss ko na si mama...

Bumalik na muna ako sa nagsisilbing room ko dito sa resort bale sa isang room tatlo ang magkakasama magkahiwalay din ang mga kwarto ng lalaki sa babae kung saan nasa first floor ang mga lalaki at nasa second floor ang mga babae ... infairness conservative ang adviser namin .

May tiglimang kwarto sa first floor at second floor at sakto lang talaga sa section namin ..may mga teacher din kaming kasama kaso hindi ko na inalam pa kung sino sino sila ....

Pagpasok ko nakakamangha talaga Maganda ang room may tatlong kama na sakto lang sa tatlong tao may mga cabinets kung saan nilalagay yung gamit ng guests na nakapwesto sa bawat gilid ng kama... at may malaking bintana sa kanan na may makapal at may manipis na kulay puting kurtina kung saan kitang kita mo ang labas at dagat...may flower vase na nakapatong sa lamesa sa tabi ng bintana

Wala pa ang dalawa kong kasama sa kwarto kaya naupo muna ako sa magiging kama ko ..

Wow ang lambot..

Humiga muna ako habang nakatingin sa puting kisame ng kwarto

Sarap matulog ..

Napapapikit na ako ng biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napadilat ...

"Lumabas daw sabi ng adviser natin" masungit na sabi sakin ng kaklase ko na kasama ko dito sa kwarto habang nasa likod naman ang isa ko pang kaklase..

That Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon