Chapter 39: A Dream or A Nightmare?

150 10 0
                                    

Third Person's POV

"James!" sigaw ni Andrea at biglang napabangon.

Pagtingin n'ya sa paligid, napansin n'yang nasa kwarto niya siya.

Tumakbo naman si Rose papunta sa kwarto n'ya nang marinig ang kaniyang sigaw.

"Rose," sambit ni Andrea matapos buksan ni Rose ang pinto at pumasok.

"Nasan si James?" tila nanlulumong tanong ni Andrea.

Si Rose naman ay nagtaka.

"Ha? Hindi ko alam. Baka nasa dorm n'ya. Baka tulog pa." sagot niya.

"Nasa dorm n'ya? Ibig sabihin buhay si James?" tanong ni Andrea.

"Oo naman," sagot ni Rose

"Teka nga, nagdu-drugs ka ba o sadyang ganyan lang talaga ang epekto ng halik sa'yo ni James? Bakit mo naman iisipin na patay na s'ya ha?" dugtong nito.

"Anong petsa na ngayon?" tanong ni Andrea.

"January 2 at saka 1:00 na ng hapon," sagot naman ni Rose.

"Ibig sabihin panaginip lang ang lahat." saad ni Andrea.

"Anong panaginip? I-share mo nga sakin yan." saad ni Rose at umupo sa kama katabi ni Andrea.

Bumuntong hininga si Andrea.

"Si Jovert Alejandrino daw at ang pinuno ng mga Vestarian na si Gilbert Roosflix ay iisa,"

"What? Paano naman nangyari yo'n? Don't tell na ja-fake lang si Jovert my crush." saad ni Rose.

"Wag kang munang magtanong, patapusin mo muna akong magkwento." sagot naman ni Andrea.

"Sige na nga, sungit-sungit mo naman ngayon." sambit ni Rose at nagpout.

"Ginaya lang daw ni Gilbert ang itsura no'ng tunay na Jovert Alejandrino. Kinuha daw ako ni Gilbert at dinala sa isang kweba sabi n'ya siya daw at ang X.O.S detector na si Sandra Smith ang tunay kung mga magulang. Pagkatapos nagpunta daw kami sa Urettia at itinayo ang kastilyo nila. Nagpunta naman si mama dito sa Academy at nang malaman n'yang kinuha ako ng mga Vestarian, hinanap n'ya ako. Nagpunta daw s'ya sa Urettia tapos kinalaban ko s'ya. Kayo naman daw nila James ay hinanap n'yo din ako tapos hinabol pa daw kayo ng halimaw at napadpad kayo sa Urettia. Ginawa daw akong yelo ni James at itinakas n'yo ako, isinama n'yo si Vedal dito sa Academy pero nag-iba ang anyo n'ya at naging si Gilbert Roosflix, sasaksakin n'ya sana ako ng espada kaso naitulak ako ni James kaya sa dibdib n'ya tumusok yo'ng espada. Akala ko totoo ang lahat ng yo'n, akala ko patay na si James."

Nagpunas ng luha si Andrea matapos isalaysay ang lahat ng iyon.

"Nakakaloka naman yang panaginip slash bangungot mo. Tsaka sino naman yo'ng Vedal?" tanong ni Rose.

"Kaibigan ko s'ya, isa s'yang duwende na nakilala ko sa Urettia noong nahanap ako ng gamot para sa'yo." paliwanag ni Andrea.

"Sa tingin mo Rose totoo yo'ng nasa panaginip ko? Na si Gilbert Roosflix at Sandra Smith ang tunay kong mga magulang?" tanong ni Andrea.

"Hindi ko alam." sagot ni Rose.

"Sana hindi yo'n totoo, si mama lang ang --- teka nasa'n si mama? Ayos na ba talaga s'ya?" tanong ni Andrea.

Natahimik naman si Rose.

"Ah, eh..." sambit ni Rose at napakamot sa ulo.

Bumuntong hininga ito.

"Sabi kasi ni principal Climbdow sinubukan nilang hanapin ang nanay mo kaso hindi nila makita. Pumunta na daw sila sa mortal world at ginamit na rin ang bolang kristal ni madam Cynthia para makita si Mrs. Raffit kaso wala talaga eh." paliwanag ni Rose.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now