Chapter 23: Is it a Goodbye?

338 21 7
                                    

Andrea's POV

Nakarating kami ng maayos sa X.O.S Academy, walang mga mababangis na creature ang humarang sa amin, marahil takot sila sa aming principal, hindi ko alam.

Umaga na at nakapag-almusal na kami nina Rose at Ella sa cafeteria. Papunta kami ngayon sa Principal's Office dahil ipinapatawag kami ni Principal Climbdow.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng silid na iyon, agad na kumatok si Ella.

"Come in," sambit ng principal mula sa loob ng silid.

Pinihit na ni Ella ang door knob at nauna na s'yang pumasok. Sumunod na si Rose at sumunod na rin ako.

Narito rin pala si James.

Tiningnan ko s'ya pero umiwas naman s'ya ng tingin.

Dapat nga pala akong magpasalamat sa kanya dahil nakita n'ya kami. Ilang beses na rin n'ya akong iniligtas at ipinagtanggol. Hindi ko lubos maisip na ginawa n'ya ang mga bagay na yo'n dahil no'ng una naman napakasungit n'ya sa akin.

"Hoy, Andrea, umupo ka na," pabulong na utos sa akin ni Rose.

Hindi ko napansin na naupo na pala sila. Madami lang siguro akong iniisip. Umupo na lamang ako.

"Ipinatawag ko kayo dahil gusto kong malaman kung bakit bigla na lang kayong nawala ng isang linggo," panimula ni principal Climbdow.

"Napunta po kasi kami sa Urettia," sagot naman ni Rose.

"What?! Paano naman kayo napapunta do'n?" tanong muli ni principal Climbdow.

Ikwenento ni Rose kung paano kami napunta do'n maging yo'ng mga nangyari sa'min do'n ikwenento n'ya rin.

Matapos ang mahaba-habang pagsasalaysay ni Rose pina-una na silang lumabas at pinaiwan naman ako ni principal Climbdow dito mag-isa.

"Nais ko lang sabihin na magkakaroon ka ng training pagkatapos ng exams, kailangan mong maging handa at maging malakas upang maipagtanggol mo ang iyong sarili sakaling may magtangka sa iyong buhay. Sige na, maaari ka na ring lumabas," makahulugang sambit niya.

Lumabas ako ng silid na iyon na gulong-gulo ang isip dahil sa mga tinuran ng aming punong guro.

Malapit na nga ang exams namin at namomroblema ako dahil halos dalawang linggo akong hindi naka-attend sa klase dahil do'n sa pagkakakulong ko sa dungeon ng X.O.S Academy at dahil napadpad kami sa Urettia.

Pero ang mas gumugulo sa isip ko ay ang sinambit ni principal Climbdow na kailangan kong maging handa at maging malakas kung sakaling may magtangka sa aking buhay.

Hindi ko sigurado kung sino ang maaaring magtangka sa aking buhay. Siguro si professor Limetre pero bakit naman n'ya yun gagawin. Bakit pati s'ya nagpanggap na isang witch at bakit gusto n'ya akong pakainin ng mansanas na maaaring makapagparalisa sa akin.

Napakaraming mga katanungan ang tumatakbo sa aking isipan.

Pumunta na lamang ako sa classroom namin para naman makahabol ako sa mga lesson.

Naabutan ko na nagkukwentuhan sa tabi ng upuan ko si Rose at Ella.

Teka bakit wala si James?

Nasaan kaya yo'n?

"Baka naggagayak," sambit ni Rose.

"Pa-pano mo nalaman ang nasa-isip ko? Nakakapagbasa ka ba ng isipan ng ibang tao?" takang tanong ko.

"Haha, hindi, halata lang sa ekspresyon ng mukha mo. At saka kung makatitig ka sa upuan ni James halatang halata na hinahanap mo s'ya," saad muli ni Rose.

"Teka, ano yung sinabi mo kanina? Si James naggagayak?"

"Oo,"

"Bakit naman s'ya naggagayak. Aalis ba s'ya?"

"Hindi mo ba alam na may deal sila ni Principal Climbdow?"

"Deal? Anong deal?"

"Na kapag hindi n'ya nagawa ng maayos ang misyon na ibinigay sa kaniya ni principal aalis s'ya sa paaralan na 'to,"

"Teka lang, anong misyon? Ipilawanag mo nga ng maayos,"

"'Di ba nga nawala na lang tayo bigla dito sa X.O.S Academy, kinabukasan no'n nagbigay ng misyon ang principal, na kailangang mahanap tayo at makabalik ng maayos dito sa Academy. Tinanggap ni James ang misyon na 'yon at dahil hindi n'ya nagawa ng maayos ang misyon na yo'n kailangan n'yang umalis dito," mahabang paliwanag ni Rose.

"Tinanggap n'ya ang misyon na yo'n para sa'tin?" tanong ko.

"Tinanggap n'ya yo'n lalong higit dahil sa'yo." sagot naman ni Rose.

"Ha?"

"Kung ako sayo pipigilan ko s'yang umalis," singit naman ni Ella.

Hayss... ano bang gagawin ko?

Tumakbo na lang ako papalabas para pigilang umalis si James.

"Oh, san ka pupunta?" pahabol na tanong ni Rose.

"Eh di pipigilan si James," sagot ko na lang at nagpatuloy na sa pagtakbo.

Kamalas-malasan pa nga naman. Biglang may nakabunggo sa akin ng papalabas na ako ng pinto. Natumba tuloy ako.

"Miss, okay ka lang?" tanong ng isang lalaki, lalaking --- lalaking gwapo. Parang ngayon ko lang s'ya nakita dito sa academy ah.

"Miss, ayos ka lang ba?" tanong muli nito sabay abot sa akin ng kamay n'ya.

Inabot ko yo'n at tumayo na kaagad.

"Ikaw si Andrea 'di ba?" tanong ulit nito.

Tumakbo na lang ulit ako at hindi ko na muna pinansin ang lalaking 'yon. Kailangan kong maabutan si James. Teka kailangan ko munang kausapin ang principal bago ko puntahan si James. Pa'no na 'to? Maaabutan ko pa kaya si James?

Hayss... bahala na si batman.

Naglakad na ako papunta sa principal's office.

Kakatok na sana ako sa pinto nang makarating ako sa tapat noon kaso parang may nag-uusap sa loob.

"Sarina, narito, tingnan mo," parang boses 'yo'n ni madam Cynthia ah. Ang oracle class teacher namin.

Ano kayang ginagaw nila, bakit parang natahimik sila?

"Hindi 'to maaari, ginagamit n'ya ang librong 'yo'n para buhayin ang mga masasamang Vestarian," sambit ni Principal Climbdow mula sa loob.

Hindi ko pa rin masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Hindi lang 'yan ang masamang balita Sarina, ang mga taga team Vesta, umalis sila kaninang madaling araw,"

Pinihit ko ng dahan-dahan ang door knob para makita kung sino ba ang kausap ni Principal Climbdow, si madam Cynthia nga ang kausap n'ya, at nasa lamesa ang bolang kristal ni madam Cynthia. 'Yo'n siguro ang sinasabing tingnan ni principal kanina.

"What?" pasigaw na tanong ni principal Climbdow.

"Mukhang nais ni Gilbert na makamit ang matagal na n'yang mithiin, ang mapamunuan ang buong extraordinary world. Kinuha n'ya siguro ang mga taga team Vesta para gamitin sa kaniyang mga plano," tugon naman ni madam Cynthia.

Sino naman yung Gilbert? Hindi ko pa rin talaga masyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila, kailangan ko na sigurong umalis, baka mahuli pa nilang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.

Aalis na sana ako kaso muling nagsalita si Principal Climbdow.

"Nahihibang na talaga ang lalaking yan, balak n'ya rin sigurong patayin si Andrea para lang hindi matupad ang propesiya."

"Patayin ako? Para hindi matupad ang propesiya, ano bang nangyayari dito?" nasambit ko na lang dahil sa sobrang pagkalito at tuluyang binuksan ang pinto at pumasok.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now