Chapter 9: Crystal Ball

515 36 5
                                    

Principal Climbdow's POV

Its been a week since the librarian died or should I say 'the librarian was killed'.

At the very first I didn't believe that Andrea is the one who's responsible for that. Kilala ko ang mga magulang nya, hindi nila tuturuan ng masama ang anak nila.

I also know Andrea at alam kong hindi nya magagawa ang mga katagang sinambit nya noon.

Nagpatawag na rin ako ng meeting sa mga professor noong araw na yun. Ginamit na rin namin ang crystal ball ni madam Cynthia, ang pinakamatanda at ang oracle teacher dito sa X.O.S Academy. Pero ang tanging nakikita lang namin ay ang isang extraordinary human na balot na balot ng itim na balabal at hindi namin ito makilala pero sigurado akong hindi si Andrea yun. Ang kailangan na lang namin ay ang makumpirma na hindi talaga si Andrea yun upang makalaya na siya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng narinig kong may kumakatok.

"Come in" tangi kong sambit.

Bumukas ang pinto at pumasok si madam Cynthia "What it is...?" tanong ko agad.

"It's about the incident last week." tugon naman nya.

"May ipinapakita po ang bolang crystal regarding sa insidente..."

Hindi ko na sya pinatapos.

"How many times that I've already told you that you don't need to talk to me with 'po'? I'm 10 years younger than you, remember?"

"Pansensya na po." tugon nya. Itinaas ko naman ang isa kong kilay ng marinig ko na naman na nag 'po' sya.

"Pasensya na Sarina"

"By the way, gusto kong malaman ang tungkol sa insidenteng nanyari." sambit ko.

Inilabas nya ang crystal ball, of course she cast a spell to do that. Inilapit nya ang dalawa nyang kamay sa bolang crystal at sinubukang pagalawin ang mga imahe doon. Nagtagumpay naman sya.

Nakita kong pumasok si Andrea ng library at napansin nyang wala ang librarian. Wait, what? Wala ang librarian. Pupunta na sana sya sa history section pero may napansin syang umiilaw na libro sa restricted section. Wait, paano napapunta don ang restricted section, nasa malayo pa dapat lugar na yon.

Dumeretso lang sya sa paglalakad at nang makalapit sa libro agad nya itong binuksan pero hindi na pinakita ang nakasulat sa libro. Lumabas si Andrea ng library at ang ikinagulat ko ay ang pagbasak ng walang buhay na katawan ng librarian. Nawalan na si Andrea at lumabas ang extra ordinary human na balot na balot ng itim na coat. So tama ako, hindi si Andrea ang pumatay sa librarian pero sino?

------

Nakaalis na si madam Cynthia at pinatawag ko na rin ang kaibigan ni Andrea na si Ms. Flowria.

May kumakatok na naman.

"Come in."

"Principal, pinatatawag nyo daw po ako?" sambit ni Ms. Flowria.

"Yes, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa? Pinapunta kita dito upang ibalita na makakalaya na si Andrea." yes, you've heard it right. Napagdesisyunan ko nang palayain si Andrea dahil simulat sapul alam ko namang walang syang kasalanan.

"Talaga po?" my God, this girl take the exageration.

"Yeah." sagot ko na lamang.

"Kailan po sya makakalaya?" muli nyang tanong.

"This afternoon. Puntahan mo si Edward at magpasama ka para makalabas na sa dungeon si Andrea."

(A/N: Edward is the semi-giant guard. lol. Continue reading^_^)

"You may go" dugtong ko pa.

"Ok ma'am" tugon naman nya.

-------

------

Rose POV

"Bilisan mong maglakad, malapit ng lumubog ang araw." sambit ni Guard Edward.

Hello, ang bilis ko na ngang maglakad oh, pero para sa kanya ang bagal ko pa ring maglakad pa'no ba naman ang laki-laki ng hakaw nya.

Nakarating na kami sa central hall pero ang layo ng agwat niya sa pwesto ko. Itinapat na nya ang thumb nya sa dungeon sensor at bigla na syang naglaho.

Itinapat ko na rin ang thumb ko. Ilang segundo na ang lumipas pero walang nangyari nandito pa rin ako sa central hall.

Bakit ganon? Anong nangyayari?

------

Andrea's POV

Walong oras na ang lumipas simula nung umalis si James but still hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niya.

Natigil ang aking pag-iisip ng may narinig akong pagkaluskos malapit sa pintuan. Tumayo ako para tingnan yoon. Nagulat ako nang mapansing halos lahat ng mga bilanggo ay nasa labas ng pinto ng silid ko.

"Ikaw ang itinakda, dapat kang mamatay, dapat kang patayin!" halos wala nang boses na sigaw ng isang matandang bilanggo.

"Diba sya ang magiging dahilan ng pagkagunaw ng mundo na ito, bakit hindi na lang natin sya pabayaan ng sa ganon pare-parehas tayong mamatay kasama ng mga nagbilanggo sa atin dito." suyestyon naman ng isa sa kanila.

"Hindi maaari dahil may pamilya pa akong naiwan sa labas ng bilangguan at paaralang ito." sabat naman ng isang payat na payat na babae.

"May pamilya pa rin ako!" sigaw ng isa pa.

"Ako rin!" sunod sunod na sambit ng iba pa.

Ngunit ang pinaka-ikinatakot ko ay ang huli nilang ipinagsisigawan.

"Patayin ang itinakda!"

"Tama, dapat syang patayin."

"Patayin, patayin!"

Sabay - sabay nilang kinalampag ang kalawanging rehas na bakal na nagsisilbing pinto ng pinagkakakulungan ko. Nasira ito at nakapasok ang ilan sa kanila.

Hahampasin na sana ako nung lalaking unang nakapasok pero laking gulat ko ng lumampas lang ito sa katawan ko.

Nagtaka yung lalaki pero hinampas niya ulit ako.

Napapikit ako dahil inaasahan kong tatama na sa katawan ko ang bakal pero wala akong naramdaman.

Iminulat ko ang aking mata at nakita ko na lumampas lang ulit ang kalawanging bakal sa katawan ko.

Hindi kaya patay na ako? Di'ba sa mga movie paglumalampas ang mga bagay sa katawan ng isang tao ibig multo na sya.

Multo na ba ako?

Kinurot ko ang sarili ko pero naramdaman ko ang kaunting sakit, ibig sabihin buhay pa ako, hindi ako multo. Pero bakit lumampas lang yung bakal sa katawan ko?

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now