Chapter 28: Na Ve'imo Mia

241 14 2
                                    

Andrea's POV

"'WAAAG!.." sigaw ko.

Nagulat na lang ako ng biglang bumagsak sa lupa ang mga ice spikes na ginawa ni James.

May maikli at mababang parang pader na gawa sa yelo ang pumigil sa mga spikes na yo'n na tumama kay Vedal at sa tingin ko ako ang may gawa ng parang pader na yo'n.

May naramdaman kasi akong parang malamig sa kamay ko kanina.

Nakita kong napabuntong hininga si Vedal.

"S'ya ang tumulong sa'yo, s'ya ang nagdala sa'yo dito sa Urettia," sambit ko habang nakatingin kay James.

"Sorry, I-I thought that he's a dark creature," paliwanag n'ya.

"'Wag ka sa'kin magsorry, kay Vedal,"

"Okay..." sambit n'ya bago tumingin kay Vedal.

"Your name is Vedal, right?"

"Yeah,"

"Uhmm... sorry and... and thank you, thanks to you little dwarf and thanks to you Andrea,"

"Okay lang yo'n. Kulang pa siguro itong ginawa ko kumpara sa mga nagawa mong tulong sa akin." saad ko.

"Aalis na ako, nakakaistorbo yata ako sa inyo," singit ni Vedal.

"Pyaehm La'ideo," muling nyang sambit.

"Sandali," saad ko pero bigla na lang s'yang nawala.

"Is it Christmas today?" tanong ni James.

"Oo," sagot ko.

"Nakakaintindi ka pala ng Exorla Words," saad kong muli.

"Ya mel, Pyaehm La'ideo, nai ve'imo,"

What-just- did-he-say?

Nai ve'imo.

Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi n'ya.

"Let's go back to the Academy, don't tell me, we will just walk till we came there." saad n'ya.

"No,"

Nakakaasar s'ya, kung makapagsalita s'ya parang wala lang yo'ng sinabi n'ya.

English pati s'ya ng english.

Haysss.. maybe he don't mean it and I'm just assuming that he really mean that.

Nahahawa tuloy ako dahil sa kaka-english n'ya.

"So, how can we go back to the Academy?" tanong n'ya.

"Teleportation," tipid na sagot ko.

"You can teleport?"

"Yeah, at saka 'wag kang tanong ng tanong." sambit ko.

Hindi ko alam pero parang naiirita ako sa kanya.

"Okay," sambit n'ya pagkatapos ay hinawakan n'ya yo'ng kamay ko.

"Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" tanong ko sabay taas ng kilay.

"'Di ba sabi mo magteteleport tayo." sagot naman n'ya.

Inalis ko yong kamay ko sa pagkakahawak nya.

"Maglakad na lang tayo," inis na sabi ko.

"Bakit ba bigla-bigla ka na lang nagsusungit?"

"Ako, nagsusungit? Hindi naman ah." sarkastikong sagot ko.

"Alam ko na kung bakit ka nagsusungit? Kasi iniisip mo na hindi totoo yo'ng sinabi ko sa'yo kanina, gusto mo isigaw ko pa dito yo'n para maniwala kang totoo ang sinasabi ko?" tanong n'ya ulit.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now