Chapter 3: Team Arclyd

1.1K 62 17
                                    

Andrea's POV

Napatingin ako sa bintana ng dorm dahil bigla na lang itong nag-uuga. Nakakatakot ang tunog nito.

Napakapit ako sa damit ni Rose dahil sa takot.

Tuluyang bumukas ang bintana.

Napatili ako ng makita ko ang kulay itim na bagay na lumilipad at patungo sa direksyon namin.
Palapit ito ng palapit kaya't napapikit na lang ako.

Naramdaman kong may tumamang bagay sa mukha ko. Peste, masakit yun ah. Dahil don natumba ako, buti na lang sa kama ako bumagsak.
Nakinig kong tawa ng tawa si Rose. Iminulat ko yung mata ko at nakita kong nasa gilid ko na yung bag ko at maleta. Tumayo ako at hinampas ng mahina sa balikat si Rose. May saltik talaga.

"Hindi ka pa ba nakakakita sa tanang buhay mo ng mga bagaheng lumilipad?" nakahawak sa tyan nyang tanong sakin habang tawa parin ng tawa.

"Hindi pa, hindi mo ba alam na galing ako sa normal na mundo?" tanong ko sa kanya.

"Alam ko,"

"Eh bakit tawa ka ng tawa?" tanong ko ulit.

"Seriously, wala kang alam na isa kang X.O.S user? Kahit naman nung nasa normal na mundo pa ako marami ng lumilipad o lumulutang na bagay sa ere tulad ng suklay, tasa at iba pa, yun nga lang nangyayari lang yun kapag siguradong walang normal na tao sa paligid," mahabang paliwanag nya.

Ewan ko sa kanya.

"Tulungan na lang kitang ayusin yang mga gamit, okay?" alok nya.

"Sige na nga," choosy pa ba di ba?

Inayos namin yung mga gamit ko sa isang malaking cabinet.

Isang araw pa lang ako dito pero napakarami ng mga nakakagulantang na bagay ang nangyari, pano pa kaya sa mga susunod na araw o buwan na mananatili ako dito?

Makasabay kaya ako sa atmoshpere na meron dito sa X.O.S Academy?
Mabilis na lumipas ang mga araw at medyo nakakasabay na ako sa atmosphere ng X.O.S Academy.

"Andrea, hindi ka pa ba mag-aasikaso, malapit nang mag-time."

Oo nga pala Lunes ngayon at umpisa na ng klase namin. Sana kaklase ko si Rose para naman hindi ako masyadong mainip sa mga klase.

"Sige" tugon ko.

"Nandyan na yung uniform mo sa banyo." Narinig kong sigaw ni Rose bago pa man ako tuluyang makapasok sa C.R.

Makalipas ang mga ilang minuto ay lumabas na rin ako ng banyo.

Maganda yung uniform na suot ko. Kulay white na blouse tapos may kulay red sa manggas at maging sa collar nito. Ang palda naman ay halos hanggang tuhod ko lang at kulay pula rin. May suot din akong cloak na black na umaabot sa aking binti.

"Nakakain ka na ba Rose?"

"Oo, pasensya na, hindi na kita nahintay, na gutom na kasi ako eh."

"Okay lang, kakain na lang din ako. Baka gusto mo nang mauna tutal mukhang hindi naman na ako maliligaw."

Sinamahan n'ya kasi akong maglibot dito sa X.O.S Academy nung mga nakaraang araw kaya medyo nafamiliarize na rin ako sa lugar na 'to.

"Hindi na, hihintayin na lang kita tutal maagap pa naman" tugon nya.

Pagkatapos kung kumain ay dumeretsyo na kami sa may central hall dun kasi nakapaskil kung saang section kami mapupunta. Ang daming tao dito kaya pilit kaming nakikipagsiksikan.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя