Chapter 13: Urettia

425 33 3
                                    

Andrea's POV

"Nandito tayo sa Urettia." sambit muli ni Ella.

(Urettia is read as Yuretya)

"Ito ang kalahating bahagi ng extra ordinary world. Dito rin dating nakatayo ang Vestarian Kingdom pero simula nung nangyari ang Verclayds nabura na ang lugar na ito sa mapa ng extra ordinary world at simula rin no'n wala nang X.O.S users ang napapadpad dito." dugtong pa ni Ella.

"Ano yung Verclayds?" tanong ko.

"Saka ko na lang ikukwento ang sa'yo ang tungkol dun. Kailangan agad nating makaalis dito dahil maraming mababangis na creature ang naninirahan dito." lumuhod si Ella pagkatapos sabihin yun, hinawakan n'ya yung lupa at parang sinuri n'ya yun.

Tumayo ulit s'ya bago muling magsalita.

"Nandito tayo sa North Urettia at matatagpuan ang lagusan pabalik sa pinakamalapit na lugar sa X.O.S Academy sa South Urettia. Kaya ko sanang pagpalitin itong lupang kinatatayuan natin kapalit din ng kaunting bahagi ng lupa sa South Urettia kas-"

"Eh bakit hindi mo gawin!" bulyaw ni Rose.

"Rose, ano ka ba?" saway ko sa kanya.

"Magagawa ko sana yun kung nakarating na ako dun sa South, alangan namang maglakbay akong mag-isa papunta dun tapos saka ko lang pagpapalitin itong land mass na ito dun sa land mass sa South di ba?!" sigaw rin ni Ella.

God! Parang mabibingi ako dahil sa pagsigaw nila.

"Ano ba kayong dalawa?! Huminahon nga kay--"

Nanlaki yung mata ko dahil sa nakikita ko. Nanginginig na rin yung tuhod ko dahil sa takot.

Itinuro ko sa kanila yung nasa likuran nila. Kasabay nun ang kakaibang pakiramdam sa aking hintuturo, para s'yang nag-iinit tapos naging cold.

The next thing I knew, nagkaroon na nang ilaw sa hintuturo ko.

Agad silang tumingin sa likuran nila at biglang napasigaw.

May isang mala higanteng troll sa likuran nila at may dala yun na maikling sanga ng kahoy.

Inihaya n'ya yun kay Ella at Rose at agad na ihinampas. Mabilis naman na nakayuko yung dalawa.

"Takbo!" sigaw ni Ella.

Tumakbo naman agad silang dalawa papunta sa direksyon ng South kaya sumunod na rin ako.

Lumingon ako sa likuran nung medyo malayo na ang natatakbo namin.

Akala ko hindi na kami maaabutan nung troll yun pala mga dalawang dipa lang yung agwat ko sa kanya.

Tumakbo ulit ako hanggang sa maabutan ko si Rose. Huminto s'ya tapos inilabas n'ya yung power wand n'ya.

"Invistas."

Huminto kami dahil sa pagod kakatakbo. Si Ella naman hindi yata kami napansin kaya patuloy pa rin s'ya sa pagtakbo.

Napatingin naman ako kay Rose at nakatingin naman s'ya sa likuran ko.

Kung kanina ako yung nanlalaki yung mata ngayon si Rose naman .

Don't tell me nasa likuran ko yung troll.

Lumingon agad ako sa likuran ko at nakita ko nga yung troll doon. Hawak pa rin n'ya yung kahoy at nakahaya na yun sa akin.

Sisigaw na sana ako kaso biglang tinakpan ni Rose yung bibig ko.

Inihampas na nung troll yung kahoy kaya agad kaming yumuko.

Tumakbo kaming dalawa papalapit kay Ella at parang ngayon lang n'ya napansin na nawawala kami. Hindi n'ya kami nakikita pero bakit yung troll nakikita kami.

"Andrea, Rose! Nasa'n kayo?!" sigaw ni Ella.

Kumapit s'ya sa tuhod n'ya dahil yata sa pagod.

Nakalapit na kami sa tagiliran n'ya at parang tinagkal na rin ni Rose yung invisibility shield.

"Nandito kami." sambit ko.

Mas lumapit pa kami sa kanya.

"Bakit nakikita kami nung troll kahit na gumawa ng invisibility shield si Rose?" tanong ko agad.

Tumayo s'ya ng maayos bago magsalita.

"Hindi gumagana ang invisibility shield sa mga creature sa lugar na ito."

So, that explain the reason why.

"Booogshh."

"Aaaahhh."

Nakita ko si Rose na nakahilata na sa lupa.

Hinampas s'ya nung troll at ngayon kami naman ang hahampasin nung troll. Inilabas agad ni Ella yung power wand n'ya at nagcast ng spell.

"Soleria Diggera."

Unti-unting lumubog yung troll sa lupa hanggang sa tuluyan na s'yang matabunan.

Lumapit kami kay Rose at sinubukang s'yang gisingin kaso hindi s'ya nagigising.

"May lason yung kahoy na gamit nung troll at mukhang humawa yun sa ulo ni Rose, kailangan nating makahanap nang halamang gamot para sa kanya."

I idolized Ella in her attitude. Kahit na nagkasigawan sila ni Rose kanina, hindi pa rin maitatago na nag-aalala pa rin s'ya para kay Rose.

Binuhat namin si Rose papunta sa isang tuyo't na puno dahil lahat naman ng puno at halaman na nakikita namin dito ay tuyot na.

Hindi rin ako sigurado kung may makikita kaming halamang gamot dito. Kung gising lang sana si Rose magagamot niya nang mas mabilis ang sarili n'ya.

"Kailangang may maiwang isa dito na magbabantay kay Rose dahil baka may mabangis na creature ang mapunta sa dakong ito." sambit ni Ella.

"Ako na lang ang maghahanap ng halamang gamot." pagpiprinsinta ko.

"Pero marami ring mga mababangis na creature ang maaaring mong maencounter. Kaya mo bang mag-isa?" tanong ni Ella.

"Hindi ko alam. Pero wag kang mag-alala hindi naman ako masyadong lalayo. Sige, aalis na ako."

"Sigurado ka na ba d'yan?"

"Oo naman."

"Sige na! Basta mag-iingat ka."

Lumakad na ako papalayo.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako dahil baka makaencounter nga ako nang mababangis na creature o much worst hindi na ako makabalik doon kina Rose at Ella pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

Sinubukan kong pailawin yung hintuturo ko para naman may makita ako kahit papaano. Mabuti na lang at nagawa ko.

Nagtataka lang ako kung bakit yung hintuturo ko ang umiilaw samantalang yung sa kanila yung palad nila.

Nagtingin-tingin na ako sa paligid pero puro tuyot na halaman at puno pa rin ang nakikita ko.

Naglakad pa ako ng mahigit kalahating oras at sa tingin ko sobrang layo na nang nadadating ko mabuti na lang at wala akong nakakasalubong na mababangis na creature.

Puro tuyot na puno at halaman pa rin ang nakikita ko kahit na sobrang layo na nitong lugar na 'to.

Napagdisisyunan ko nang bumalik dahil mukha namang wala na akong makikitang halamang gamot kahit maglakad pa ako ng maglakad papalayo.

Naglakad na ako pabalik.

Wait, saan na nga ba yung dinaanan ko kanina?

Oh God, nakalimutan ko na kung saan ako dumaan kanina.

Ang alam ko kasi napadpad kami sa North East imbis na sa South nung tumakbo kami kanina.

Arrrgh, ano nang gagawin ko?

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon