Chapter 18: Let's Go

356 22 2
                                    

Andrea's POV

Tulad ng napagkasunduan namin kahapon, naglalakbay na kami ngayon papunta ng South Urettia.

Mahaba-habang oras na rin ang nagamit namin dahil sa paglalakad.

Siguro mga apat na oras na ang nakakalipas mula no'ng umalis kami sa North East.

Pare-pareho na naming ginagamit ang parte ng aming kamay para makita ang daan, si Rose at Ella, palad ang ginagamit na pangtanglaw samantalang ako hintuturo.

Lumubog na kasi yung dark moon kaya hindi na namin makikita ang paligid kung hindi namin yun tatanlawan.

Mabuti na lang din at wala kaming naiencounter na mababangis na creature.

Naituro ko yung hintuturo ko sa bandang kanan dahil may kumaloskus do'n.

Napawow na lang ako dahil may isang maliit na puno do'n na buhay.

Ngayon lang kasi ulit ako nakakita ng buhay na puno dito sa Urettia maliban lang nung naghanap kami ng halamang gamot do'n sa tirahan ng mga koala.

Napatingin din dun sa puno si Rose at Ella at napakunot ang noo.

What's with that?

"Bakit may punong buhay d'yan?" tanong ni Rose.

Inilabas naman agad ni Ella ang power wand n'ya at itinapat do'n sa ugat no'ng puno.

"Flexis Fabilies"

Bigla namang nawala yung mga lupa do'n sa mga ugat noong puno.

Akala ko matutumba yun kaso bigla na lang gumalaw ng gumalaw yung ugat na yun hanggang sa humaba at agad na kinapitan ang mga paa namin.

Magca-cast na sana si Ella ng spell kaso biglang dumami yung ugat sa katawan n'ya at nakapitan maging ang kaniyang kamay kaya nalaglag sa lupa yung power n'ya.

"Shit." inis na sambit n'ya.

"Kanina pa lang alam ko nang hindi normal na puno yan." dagdag pa ni Ella.

Lalo pang dumami yung mga ugat na gumagapang sa aming katawan, umabot na yun sa leeg naming tatlo kaya nahihirapan na akong huminga at siguradong pati silang dalawa nahihirapan na din.

Pa'no na kami nito.

"I-I know that you-you're not an ordinary tree but you're still part of the nature." pilit na sambit ni Rose kahit kahit na halos hindi na s'ya makahinga.

"Let see then kung kaya mong matalo ang isang nature controller." matigas na sambit muli ni Rose.

Biglang nanayo yung mga balahibo ko dahil do'n sa sinabi n'ya na yun.

Alam kong seryoso s'ya do'n at siguradong may binabalak s'ya.

Lumingon ako sa kanya kahit nahihirapan ako.

Nakita kong pilit n'yang inaabot yung power wand n'ya sa tagiliran n'ya, mabuti na lang at naabot n'ya yun agad.

Nagcast agad s'ya ng spell nung mahawakan n'ya yung power wand n'ya.

"Ruxados Reversa."

Biglang umurong yung mga ugat hanggang sa maging maikli na ulit yun.

Agad naman akong naghabol ng hininga.

Nakita kong unti-unti uling gumagalaw yung mga ugat no'ng puno.

Napatingin ako kay Rose at nagpagpag lang s'ya ng damit nung nakita n'ya yun. Pagkatapos itinapat n'ya yung power wand n'ya sa trunk nung puno.

"Not that fast, huh!" sambit pa n'ya bago mag-cast ng spell.

"Tresera Dye-era"

May lumabas na kulay dilaw na liwanag sa power wand ni Rose at tumama yun do'n sa pinakagitna nung trunk nung puno.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Where stories live. Discover now