Chapter 5: Sharp

847 29 1
                                    

Andrea's POV

Lumipas ang isang araw na hindi ako pinayagan ng nurse na pumasok sa klase.

Okay naman na ang pakiramdam ko pero hindi pa rin nila ako pinayagang pumasok. Maghapon tuloy ako kahapong nagbabasa ng mga novel books at nakakulong sa kwarto.

Myerkules na ngayon at ngayon ang napag-usapan namin ng mga ka-team ko na mag-re-research kami sa library kung paano maita-transform ang isang bagay into phoenix.

"Andrea, baka sila na yung kumakatok" sambit ni Rose na kalalabas lamang mula sa C.R.

Wala naman akong narinig na kumatok, haysss... baka hindi ko lang narinig dahil sa pag-i-isip ko ng nangyari kahapon.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tama nga si Rose, nandito na nga si James at Ella.

"Bilisan nyo nang dalawa, tanghali na" masungit na bigkas ni James.

Pssst... para naman syang nag-p-PMS.

Lumabas na kami ni Rose at dumeretsyo na kaming apat sa library.

Pagkapasok namin don agad kaming naghanap ng aklat na makakatulong sa aminng paggawa ng assignment.

Maya-maya lang lumapit sa direksyon namin si James, magkalapit lang kasi kami ni Ella ng pinaghahanapan ng libro, si Rose naman kalapit lang din namin at may binabasa ng libro.

Agad namang kaming tatlong humarap kay James.

"Ayon dito sa nabasa kong libro, mas mainam na gamitin ang pinagsamang crystal water at alitaptap sa pagta-transform ng isang phoenix. Sa pagkaka-alam ko sa Licoma's forest ay may batis na naglalaman ng crystal water. So ibig sabihin kailangan nating lumabas ng X.O.S Academy." pabulong na pagsasalaysay ni James.

"WHAT?" malakas namang sigaw ni Rose.

"You four, get out," galit na sambit nung librarian.

Lumabas kami at dumeretso sa garden pagkatapos umupo kami sa isa sa mga bench dito.

"What, lalabas tayo ng X.O.S Academy at pupunta ng Licoma's Forest. Hindi ba ayon sa rule, mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ang mga estudyante ng X.O.S Academy lalong lalo na ang mga 1st year na kagaya natin, isa pa mapanganib sa gubat na iyon, at tsaka pwede naman nating i-transform ang ibang bagay tulad ng porselanang baso upang maging phoenix ayon na rin sa nabasa kong libro kanina." mahabang 'di pagsang-ayon ni Rose sa naisip ni James.

"Madali lamang mamatay ang phoenix na ma-i-ta-transform natin kung ang gagamitin natin ay porselanang baso, hindi rin ito makakapag iwan ng bagong phoenix kapag ito ay namatay na." singit naman ni Ella.

Mukhang ako lang ang walang alam sa pinag-uusapan nila.

"Bakit ba kailangan pa natin ng isang phoenix na matagal mabuhay, eh ipapasa lang naman natin yun kay professor Limetre?" hindi ko na naiwasang magtanong.

"Ignorante" bulong ni James na narinig ko naman dahil magkatabi lang kami.

"Sigurado akong i-te-test ni professor ang ating assignment, at kapag nagreact sa apoy ang phoenix at mabilis naging abo ibig sabihin mababang grade ang makukuha natin." paliwanag ni Ella.

"Ibig sabihin mataas ang makukuha nating grades kung pinagsamang crystal water at alitaptap ang gagamitin natin, di pumunta na tayo dun sa Licoma's Forest na yun" sabi ko naman.

Grades yun 'no.

"Pero delikado dun Andrea" pagtutul muli ni Rose.

"Sinong gustong makakuha ng mataas na grades" tanong ni James.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ