Chapter 31: Countdown?

237 15 1
                                    

Andrea's POV

"Kumusta Mr. Ice controller," sambit ni Sandra Smith. Ang X.O.S detector na umalam sa klasipikasyon ng aming kapangyarihan.

Pagkatapos niyang sabihin iyon kay James ay tumingin s'ya sa akin.

"Kumusta ka, my dearest daughter?" sambit muli nito na hindi ko naman masyadong narinig at naintindihan.

"Anong kailangan mo sa amin?" matapang na tanong ko.

"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin, hindi ka ba nasasabik na makita ako?" sambit naman niya.

"Hindi kita maintindihan, sabihin mo na lang kung ano ba talaga ang kailangan mo sa amin." diretsyong sambit ko.

"Kung gano'n, ang kamatayan mo, yo'n ang kailangan ko,"

Bigla na lang s'yang nagpakawala ng isang napakalaking fire ball mula sa power wand n'ya direkta papunta sa direksyon namin ni James.

"Ice Sleria,"

Narinig kong nagcast ng spell si James at kung hindi ako nagkakamali gumawa siya ng ice barrier.

Tama nga ako dahil unti-unting nabuo ang ice barrier na yo'n bago pa kami matamaan no'ng napakalaking fire ball.

*clap* *clap* *clap*

"Great, sinong mag-aakalang makakaligtas ang mga batang katulad n'yo sa isang higanteng fire ball na gawa ng isa sa pinakamalakas na X.O.S user, pero okay lang, patikim ko pa lang yo'n hahaha," sambit n'ya at niready n'ya ulit yo'ng power wand n'ya.

"Sentarium Rudellium," sambit n'ya at unti-unting nagkaroon ng isang malaking fire ball na mayroong black fire bomb sa loob.

Mabilis yo'ng bumulusok papunta sa amin. Tiyak na masisira ang ice barrier ni James, mukhang nanghihina na rin s'ya.

Kailangan kong subukan ang isang technic na itinuro sa akin ni principal Climbdow.

Hinanap ko ang malamig na part sa aking pakiramdam, mentally.

Nahihirapan ako pero sinusubukan kong kontrolin ang bagay na yo'n papunta sa palad ko.

Then suddenly I felt an energy in my palm, I need to release it.

Itinapat ko na ang palad ko sa papasalubong na pinagsamang fire ball at fire bomb.

Tuluyang nasira ang ice barrier nang mailabas ko sa palad ko ang kakaibang enerhiya na yo'n. Nagform yo'n sa isang malaking ice wall. Itinulak ko pa ang natitirang energy sa palad ko na naging dahilan ng pagsulong ng ice wall. Sinalubong no'n yo'ng pinagsamang fire ball at fire bomb, bumanda yo'n sa ice wall na ginawa ko at bumulusok pabalik kay Sandra Smith.

Shit! Akala ko matatamaan na ang X.O.S detector na yo'n kaso biglang nawala yo'ng pinagsamang fire ball at fire bomb no'ng malapit na yo'n sa kanya.

Mukhang hindi namin s'ya kaya.

Alam kong nanghihina na si James dahil sa pagsangga n'ya kanina sa malaking fire ball at dahil sa natamo n'yang sugat, maging ako nakakaramdam na rin ng panghihina.

Kailangan naming bumalik sa Academy. Agad kong hinawakan si James at nagteleport papunta sa Academy.

Pagkadating na pagkadating namin do'n nakita agad kami ni principal Climbdow.

Sumisikat na naman ang buwan kaya alam kong malinaw kami sa paningin niya.

Lumapit s'ya sa amin at bakas sa kaniyang hitsura ang pagkayamot.

"For pete's sake Andrea, ilang ulit ko na bang sinabi sa'yo na delikadong lumabas ang lahat lalong-lalo ka na, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Takas ka ng takas," iretableng bungad n'ya sa akin.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum