Chapter 11: Best Friends

481 35 3
                                    

Andrea's POV

"Hoy, intayin nyo naman ako!"

Nakakaasar yung dalawa na yun (Ella and Rose) pagkatapos mag akit papuntang cafeteria iiwan lang ako.

I was in the state of shock kasi nung mag-akit si Ella papunta sa cafeteria. Sobrang sungit kasi nung babae na yun at bihira lang kung makipag-usap sa iba kaya nashock talaga ako.

Tumakbo na lang ako para maabutan sila.

Papasok na sana kami sa loob nung cafeteria nung biglang humarang si Leila.

"Entry of criminal is not allowed." nang-aasar na sabi n'ya.

"Anong sabi mo?!" galit na sambit naman ni Rose.

"Can't you understand english linggo? Sabi ko bawal pumasok ang kriminal dito, diba Andrea? Ay... hindi lang pala ikaw pati yang dalawa mong kasama."

"Excuse me, hindi kriminal si Andrea, it just the thing na hindi ka updated kaya wala kang alam." galit na galit na sambit ni Rose.

"Whatever! Kriminal pa rin yang Andrea na yan at bawal kayong pumasok dito. That's my order, that's the order of the queenbee."

Sasagot na sana si Rose pero naunahan s'ya ni Ella.

Dumami na rin yung mga estudyante sa paligid namin.

"Excuse me, itinuturing mong queenbee ang sarili mo? Let me remind you something... ang queenbee dapat maganda, maputi, makinis ang balat, but do you think you have those?"

"Of cour..."

"Of course you haven't, right? I think ang nakuha mo lang sa pagiging queenbee ay ang pagiging bitch mo. And another minus sa pagiging queenbee mo ay ang body odor mo."

Kung kanina si Rose yung parang umuusok yung tainga ngayon si Leila naman ang parang umuusok ang tainga isama mo pa yung ilong.

Hindi ko tuloy napigilang hindi matawa, pati si Rose at yung mga alalay ni Leila at yung ibang estudyante natawa rin.

"Anong tinatawa-tawa n'yo?" tanong ni Leila.

Bigla namang natigilan yung mga alalay n'ya at yung ibang estudyante.

Kukunin na sana ni Leila yung power wand n'ya pero naunahan s'ya ni Ella.

"Sige, gamitin mo yang power wand mo kung gusto mong mailibing ng buhay d'yan sa ilal im ng lupang pinagkakatayuan mo!" babala ni Ella.

Inirapan na lang n'ya si Ella.

"Let's go! Wala akong panahong makipagtalo sa mga kriminal."

Umalis na sila Leila pagkasabi nun at binangga pa ang balikat ko.

Sumusobra na talaga ang babae na yun.

Pumasok na kami sa loob ng cafeteria. Umorder si Ella ng pizza at orange juice para sa amin.

"Girl, havey yung line mo kanina... talsik yung beauty ni Leila... ay wala nga pala yung beauty haha." sambit ni Rose sabay kagat dun sa isang slice ng pizza.

"Uhmm... guys sorry ha. Kung hindi ko sana kayo inakit dito hindi sana tayo nagulo ni Leila."

Wait, do I heard it right. Si Ella nanghihingi ng sorry? Parang may mali sa araw na 'to. Ano kayang nakain n'ya at parang nagiging sociable at expressive s'ya.

"Okay lang yun, atleast nalaman n'ya yung katotohanan at isa pa para matauhan din s'ya kahit papaano." sagot ko na lang.

"Yeah... Tama si Andrea, at dahil mukhang nakakasundo ka naman namin Ella bestfriend ka na namin ni Andrea. Okay lang ba yun sayo?"

"Uhmmm... oo naman."

"Yes!, dalawa na ang bestfriend ko. Group Hug!"

Tumayo si Rose at hinila kaming dalawa papatayo tapos niyakap n'ya kami. Niyakap ko rin silang dalawa. Si Ella naman nung una hindi nag-response pero nung tumagal tagal nakiyakap na rin s'ya.

So Rose is right, dalawa na ang bestfriend n'ya at ganun din ako.

Buti pa dito nagkakaroon ako ng mga kaibigan samantalang nung nasa normal school ako lagi lang akong binubully.

Masaya na ako ngayon dito sa X.O.S Academy, kahit na may nang-bubully sa akin mayron namang mga taong handa akong ipagtanggol kahit hindi ko yun hilingin sa kanila.

-------

Ella's POV

I can't believe it!

I have now two great best friends.

Ni minsan hindi ko naisip na magkakaroon ako ng mga kaibigan.

Sanay kasi ako na walang lumalapit o kumakausap sa akin dahil sa kasungitan ko.

Yes, I admit it. Masungit talaga ako kaya hindi ko ini-expect na magkakaroon ako ng mga kaibigan. And they're not ordinary at prone sila sa kapahamakan kaya gagawin ko ang lahat para maipagtanggol sila lalong lalo na si Andrea.

I promise that I will protect my first official best friends with my best.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang