Chapter 30: SS

286 13 1
                                    

Andrea's POV

Nang makarating kami sa labas ng gate at nag-umpisa na si James na maglakad kaya sumunod na ako.

Sobrang layo ng nilakad namin bago makarating sa kabayanan ng Certania.

Napakaraming magagandang bahay ang nakatayo ngunit wala akong makitang tao ni isa.

Wala ring mga Vestarian na nagkalat, wala rin kami nakasagupang mga Vestarian sa daan, mukhang napagod at tumigil na sila sa panggugulo.

Naglakad na muli kami.

Paakyat kami ngayon sa isang burol.

Tumingin ako sa kabuuan ng kabayanan ng Certania ng makarating kami sa tuktok ng burol.

Parang paraiso ang bayan na ito. Napakagandang tingnan mula dito sa pwesto namin.

Maging ang X.O.S Academy na natatanaw mula rito ay kakikitaan ng kagandahan.

Nababalot pa rin ito ng barrier.

Mabuti na lang at malakas at kakaiba ang teleportation skill ko kasi nakakalabas at nakakapasok ako ng walang kahirap sa Academy gamit lang ang pagteteleport. Yan ang hinuha ni principal Climbdow dahil nagtaka s'ya noon kung bakit nagawa kong makapagteleport palabas at papasok sa Academy.

Nakalampas na kami sa burol at mukhang nakalayo na kami sa kabayanan ng Certania.

Mabuti na lang at tumigil na ang pagpatak ng nyebe dahil kung hindi, hindi ako makakatagal na maglakad dahil sa ginaw.

Naglakad pa kami ng naglakad.

Sobrang tahimik sa kagubatan na aming dinadaanan ngayon. Maski huni ng ibon ay wala kang maririnig. Pakiramdam ko may sumusunod sa amin.

Napapagod lang siguro ako. Maghapon na rin kasi kaming naglalakad. Malapit ng lumubog ang araw at kung saan kami aabutin ng dilim doon na lang kami magpapalipas ng gabi.

Nakakabingi na ang katahimikan.

Si James sobrang tahimik din.

Magsasalita na sana ako ng biglang...

"BOOOO!" sambit ni Leila na biglang na lang sumulpot sa harapan namin.

Humarang sa akin si James.

"Wow, ang sweet naman ni papa James," sambit ni Leila.

"Ganyan ka ba kahina Andrea, kailangan mo pa ng tagapagprotekta?" mapang-asar na tanong n'ya.

"Ano bang kailangan mo ha?!" deretsong tanong ko sa kanya.

"Wala naman bukod sa ang patayin ka," nakangising sambit n'ya.

Phew, kababae n'yang tao paismirk-smirk s'ya. Tomboy.

"Umalis ka na Leila kung ayaw mong mapahamak," seryosong saad ni James.

Tumawa ng malakas si Leila. Yo'ng tawang parang sa demonyo.

"Hindi ako ang mapapahamak, kayo ang mapapahamak, hahaha,"

Biglang nawala si Leila at sumulpot s'ya sa harapan ko.

Bigla n'ya akong tiniik ng sobrang higpit.

Pinilit kong makawala pero hindi ko magawa.

"Frost Luxidos," sambit ni James. Balak n'ya yatang gawing yelo si Leila.

"Bultrae Fatsiey," sambit naman ni Leila. Tiik pa rin n'ya ako gamit ang kaliwang kamay samantalang ang kanang kamay n'ya ay may hawak na power wand.

Gumawa s'ya ng fire bolts. Sumalubong yo'n sa yelong kapangyarihan ni James kaya nagkaro'n ng pagsabog.

Nabitawan ako ni Leila at dahil do'n bumagsak ako sa lupa.

X.O.S Academy: School for Extraordinary Strength User (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن